HomeHASAANvol. 1 no. 1 (2014)

Hasaan Tungo sa Mapagpalayang Pananaliksik: Kalakaran at mga Hamon

 

Abstract:

Ideolohikal ang pananaliksik. Usapin ng pagkiling sa mga nagtutunggaling ideolohiya ang pamimili ng wika, konteksto at paksang sasaliksikin. May malaking kakulangan sa kritikal na pagtataya ng kalagayan ng pananaliksik sa Filipino ang kasalukuyang daluyong ng elaborasyon at estandardisasyon ng wika sa mga multidisiplinal na pananaliksik. Tila patas ang tingin sa iba’t ibang wika at at may malabnaw na pagtingin sa usapin ng kapangyarihang bumabalot dito. Sa tunggalian, nasa posisyong mapaggiit pa rin ang maka-Filipinong pananaliksik. Kakikitaan ito ng hindi pa nagaganap na tagumpay ngunit hindi rin napapatdang lakas upang itanghal ang pagiging esensyal nito sa loob at labas ng akademya. Sa pagkiling ng mananaliksik sa nagtatalabang puwersa, nagaganap ang tungkuling sosyal ng pananaliksik.