HomeHASAANvol. 2 no. 1 (2015)

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III

Wennielyn Fajilan | Reynele Bren G. Zafra

 

Abstract:

Sa kasaysayan ng Kolehiyo ng Agham at ng Research Center for the Natural and Applied Sciences ng Unibersidad ng Santo Tomas ay hindi maikakailang malaki ang naging ambag ni Dr. Fortunato Sevilla III upang ganap na makilala ang kagalingan ng nasabing mga institusyon. Subalit, hindi lamang sa pagiging propesor ng pananaliksik at Kemistri naging kilala at nakapagbigay ng malaking kontribusyon si Dr. Sevilla, sapagkat isa rin siya sa mga nakikiisa sa pagkilala sa kakayahan at kapangyarihan ng wikang Filipino bilang wikang may kakayahang
magamit sa pagtuturo ng mga teknikal na sabjek gaya ng Kemistri at mga larangang may direktang kaugnayan dito.