HomeMALAYvol. 4 no. 1-2 (1985)

Pilosopiyang Edukasyon sa Diwang Pilipino

Emerita S. Quito

Discipline: Philosophy

 

Abstract:

Kung ating susuriin ang napapailalim na pilosopiya ng edukasyon sa Pilipinas, ating mamamalas na nagbibigay ito ng "pakundangang pangbibig" (lip service) sa nasyonalismo habang ito naman ay maliwanag na sumasamba sa mga idolo at ideolohiyang banyaga. Marahil ay maysala tayong lahat sa pagpapanatili ng isang kultong banyaga o isang pag-iisip banyaga. Sa ating kagustuhang makaiwas sa parokyalismo o pag-iisip na makitid, pumupunta tayo sa ibayong dagat upang doo'y magpalawak ng ating kakayahang intelektuwal. Totoo ngang nagkakaroon tayo ng isang malapad na abut-tanaw ngunit marami sa atin ay nadadaig sa lakas ng dolyar at hindi na bumabalik sa tinubuang lupa. Marami sa atin ay nakalilimot na bawat hakbang sa ating kaunlaran, lalung-lalu na sa edukasyon, ay nararapat mag-am bag sa kaunlaran ng bayang Pilipino. Samakatwid, ang pinakamasamang maaaring mangyari sa isang bansa lalo nasa "Third World country" gaya ng Pilipinas, ay ang walang humpay na paglisan at pananatili sa ibang bansa ng kanyang mga propesyonal.