Discipline: Philosophy
SA NGAYON ang hermeneutika ang siyang pinakabagong paksa ng pilosopiya sa Kanluran. Ayon kay James S. Hans sa isa niyang artikulo sa Philosophy Today, ang hermeneutika ay "naglalaan ng mga kabatirang mahayap (incisive insights) sa napakaraming bahagi ng mga pangkasalukuyang pagtatalo sa pilosopiya" (Hans 1978:3). Ngunit hindi ang ibig sabihin nito ay ngayon lamang nabanggit ang salitang "hermeneutika" sa pilosopiya. Kung kaya nga napagpasiyahan ng may-akda na lubhang napakahalaga ang isang historikong pag-aaral ng hermeneutika upang mabatid ang kalaliman ng ugat na pinanggalingan ng paksang ito.