Mahalaga ang pag-unawa ng mga paniniwala sa wika (language beliefs), dahil ibinubunyagnito ang mga pagpapahalaga at dahilan sa paggamit / hindi paggamit ng isang partikular na wika ng mismong mga ispiker nito. Sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan, ilalatag ng papel ang panimulang empirikal na datos hinggil sa mga paniniwala ng mga Pilipinong nag-iinternet mula sa mga Lungsod ng Pasay at Makati sa kanilang paggamit at hindi paggamit ng wikang Filipino. Mula sa ginawang pagsusuri, lumitaw ang iba’t ibang salik gaya ng kausap, paksa, at layunin na nakaiimpluwensiya kung bakit ginagamit at hindi ginagamit ang wikang Filipino sa internet. Sa huli, itinutulak ng pag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang na maaaring makaimpluwensiya sa mga Pilipino tungo sa lalong paggamit, pagpapataas, pangangalaga, at pagpapaunlad ng wikang Filipino sa komunikatibo, impormatibo,at transaksyunal na mga aspektong paggamit sa internet