HomeThe Trinitian Researchervol. 3 no. 1 (2010)

Isang Dekonstruksyong Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kuwento ni Pedro S. Dandan

Edmundo V. Rubio

Discipline: Education, Literature

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay pagsuri sa mga piling maikling kuwentong Tagalog ni Pedro Dandan sa pamamagitan ng dekonstruksyon pagdulog o pananaw. Dalawang tiyak na layunin ang sinagot: (a) una, dinekonstrak ang mga katangiang pampanitikang napapaloob sa mga piling maikling kuwento at (b) pangalawa, inilarawan ang mga implikasyon ng mga piling kuwento sa edukasyon.

 

 Ang pagsusuring dekonstruksyon ay pinakalohikal na paraan ng maaaring magamit sa pagsusuri ng maikling kuwento ni Dandan. Ayon sa pagsusuri ang mga maikling kuwento ni Dandan ay (a) may pagkasikolohikal; (b) sumasalamin sa mga katotohanang naganap sa panahon ng digmaan o kapayapaan; (c) tumutukoy sa kalikasan, tunggalian ng tradisyon at pagbabago, at paghahangad ng taong maabot ang mataas na uring espiritwalidad. At akmangakma ang mga kuwento ni Dandan sa pagtuturo ng kahalagahan sa elementarya, highschool at maging sa

unibersidad.