Jayson P. Gonzales | Cathalyn N. Villamor | Ricamela S. Palis
Discipline: Psychology
Layon ng pag-aaral na ito na magkaroon ng malalim na pag-unawa sa sikolohiya ng pagtitiis ayon sa mga mag-aaral na nasa sekondarya sa Brgy. Bagong Silang, Los Baños, Laguna sa pamamagitan ng pagsipat sa kanilang karanasan. Kwalitatibong pag-aaral sa disenyong case study ang ginamit sa pagsiyasat sa karanasan ng anim na kalahok na pawang kabataang kababaihan na nasa edad 13-16, nag-aaral sa Los Baños National High School, at lehitimong naninirahan sa Purok 3. Naging lente sa pagsusuri ng datos ang kumbinasyon ng Sikolohiyang Pilipino at mga kanluraning teorya at konsepto ng sikolohiya. Structured learning experience, focus group discussion at pagtala sa dyornal ang ginamit sa pagkalap ng mga datos na binigyan nman ng malalim na pagsusuri at obserbasyon gamit ang grounded theory.