HomeAni: Letran Calamba Research Reportvol. 2 no. 1 (2015)

QUIAPO CHRONICLES: ISANG PAGSUSURI SA KONSEPTO NG KAPANGYARIHAN NG MGA TAONG NAGTATAGLAY NG AGIMAT

Joemar P. Pebre | Ronald Rayden A. Banzuela | Charie Jane M. Lao | Yolanda A. Chua

Discipline: Psychology

 

Abstract:

Inalam ng pag – aaral na ito ang konsepto ng kapangyarihan ng mga taong nagtataglay ng agimat. Gamit ang payak na kwalitatibong uri ng pag – aaral, kinapanayam ng mananaliksik ang isang mangangalakal at isang mamimili ng agimat. Dito ay nalaman ng mga mananaliksik ang mga saloobin ng mga taong may kaugnayan sa agimat at sa pamamagitan ng tematikong pananaw ay mas nainitindihan at mas napagtagpi – tagpi nila ang kanilang konsepto ukol sa kapangyarihan. Ang pag – aaral na ito ay makatutulong upang mas lalo pang mainitindihan ng mga tao ang mga paniniwala ng mga taong may kaugnayan sa agimat at nang sa ganoon ay mas makita rin ng mga taong ito ang kanilang mga tunay na sarili bilang isang indibidwal at bilang isang bahagi ng lipunan.