Layunin ng papel na ito na makapag-ambag sa depositoryo ng lumalagong bilang ng mga sulating nagtataguyod ng kasaysayan ng pamimilosopiya sa Pilipinas. Ipinakilala rito ang ilang ginintuang kaisapan at estilo ng pamimilosopiya ni Emerita Quito, ang ugat ng isang panibagong direksiyon ng napapanahong pamimilosopiya sa Pilipinas. Tinalakay rito ang mga sumusunod: (1) talambuhay ni Quito, (2) mga primaryang batis at diskursong pilosopikal ni Quito, (3) layuning pilosopikal ni Quito, (4) pamamaraang pilosopikal ni Quito, at (5) ang ebalwasyon at kahalagahan