HomeMALAYvol. 29 no. 2 (2017)

Mapagpalayang Pagbabago: Anibersaryo ng 1917 Bolshevik Revoluton at ang Pambansang Demokratkong Himagsikan ng Sambayanang Filipino Redemptve Transformaton: The Anniversary of the 1917 Bolshevik Revoluton and the Natonal Democratc Revoluton of the Filipino

E. San Juan Jr.

 

Abstract:

Sa ika-100 anibersaryo ng 1917 Rebolusyon sa Rusya, lumilitaw na mas mahalaga ang halimbawa ni Lenin sa pagsusuri ng mga problema sa pagbabagong radikal ngayon. Sinubukang sukatin dito sa perspektiba ng teorya’t praktika ng Marxismo-Leninismo ang ilang suliranin ng pambansang himagsikang pagpapatuloy sa 1896 na pakikibaka laban sa kolonyalismong Espanyol at pagtutol sa imperyalismong Amerikano. Hinimay rito ang prinsipyo ng materyalismong historikal kaugnay ng usaping pangkapayapaan. Tinangka ritong talakayin ang ilang isyu tungkol sa tunggalian ng mga uri, tendensiyang anarkista-populista, at diyalektika ng masa’t intelektuwal sa proyektong kontra-hegemonya. Diskursong metakomentaryo ang inadhikang mabuo sa paghahanay ng mga kontradiksiyong pumapaligid sa kasalukuyang yugto ng pakikihamok laban sa marahas na ordeng neoliberalismo, tungo sa demokratiko-pambansang kasarinlan.