HomeSaliksik E-Journaltomo 6 bilang 1 (2017)

Talimuwang Ng Kawanggawang Pangangalaga Sa Kultura: Ang Pag-Angkin Ng Mga Lupain Sa Pagkuha Ng Mga Litrato

Arbeen R. Acuña

 

Abstrak:

Maaaninag ang gahum at kaisipang kolonyal sa salitang talimuwang, lalo kung sisipatin ang dalawang salitang bumubuo rito: tali, na maaaring magamit kontra o para sa muwang, o kamalayan. Sa kaaway, maaaring ipanggapos upang mabihag at malupig; sa kakampi, maaaring ipangbigkis upang makipagkaisa. May aktibong dating ang salita, kumpara sa ilusyon, delusyon o halusinasyon dahil hindi lang panandaliang guniguni o malikmata ang talimuwang na nilikha ng mga litrato ni Dean C. Worcester sa tangkang pagkumbinsi sa mga Pilipinong nakabababa sila at sa pagkonsolida sa mga Amerikanong silang nakatataas ang dapat magkawanggawa sa kanilang “little brown brothers”—at naipakita ito sa libro ni Mark Rice, propesor at tagapangulo ng Araling Amerikano (American Studies) sa St. John Fisher College.