Sinisiyasat dito ang mga terminong rehiyonal at pambansang panitikan at kaugnayan ng dalawa. Iminumungkahi ang ibang talinghaga ng kaugnayan ng rehiyon at bansa upang maiwasan ang pag-iisip na baynari. Tinatalakay rin ang mga suliranin at hinaharap ng panitikan ng rehiyong Bikol sa kasalukuyang kritikal na panahon.