HomeMST Reviewvol. 19 no. 2 (2017)

Midya: Imbakan at Daluyan ng mga Tradisyon / Media: Vessel and Channel of Traditions

Ferdinand D. Dagmang

 

Abstract:

Tinatalakay sa papel na ito ang mga bagay na lumilitaw sa proseso ng pag-uugnay ng “midya noon” at “midya ngayon”. Tinitingnan ang uri ng midya noong panahon ni San Pablo Apostol sa pamamagitan ng kanyang sulat, ang 2 Thess 2:15. Dito ay sinusuri 1) kung anong uri ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon ang sinasaad ng teksto, 2) ang ilang uri ng midya, 3) ang hayag na mensahe, at 4) ang mga pahiwatig na nasa likod ng midya at sa likod ng mga tao/lipunan. Pagkatapos, ang mga aral na mapupulot sa 2 Thess 2:15 ay inilapit/inihambing sa mga uri ng midya sa ating panahon—kagaya ng print, radyo, TV, sine, at ang “new media.” Ang pag-uugnay ng “midya noon” at ng “midya ngayon” ay isang paghaharap ng dalawang kuwento na maaaring magsilbing mga “salamin” para sa ating panahon. Ang nananalamin sa gitna ng dalawang “salamin” ay mabibigyan ng pagkakataon na maaninag ang ilang mga bagay sa kanyang harapan at likuran—mga bagay na hindi natin masusulyapan kung wala ang mga “salamin.” Hindi lamang ito gawaing paghahambing; ito ay isang paraan ng pag-dalumat sa mga bagay-bagay noon at ngayon. Ang ganitong pamamaraan ay inaasahang makakapagbigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa lipunan, tradisyon, at midya.