HomeHASAANvol. 4 no. 1 (2017)

Leksikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Panayam Pang-agham ng Unibersidad ng Santo Tomas

Crizel Sicat-de Laza | Clarissa Santiago-dungo

 

Abstract:

Ang papel na ito ay panimulang pagtataya sa leksikal na elaborasyon ng wikang Filipino sa taunang panayam pang agham na isinasagawa sa Unibersidad ng Pilipinas. Susuriin ang paggamit ng wikang Filipino sa labing pitong abstrak ng mga pananaliksik sa agham at teknolohiya na itinampok sa mga panayam. Sa pagsusuri, ginawang gabay ang mga paraan sa panghihiram sa teknikal na leksikon ng Pilipino ni Alfonso Santiago (1979).