HomeSaliksik E-Journaltomo 6 bilang 2 (2017)

Ang Araling Kababaihan at Kasarian sa Araling Pilipino at Wikang Filipino: Kalagayan at Hinaharap

Nancy Kimuell-gabriel

 

Abstrak:

Pinapaksa sa pambungad na ito ang mga pag-aaral tungkol sa kababaihan at kasarian sa Araling Pilipino at wikang Filipino.  Nais ditong ipakita ang antas na inabot ng kaalaman at talastasan, at kung paano umaambag ang Bagong Kasaysayan sa wikang Filipino sa pagtataguyod ng pagsusuring malay-sa-kasarian at pag-aadhika ng hustisyang pangkasarian at pangkalahatang pagkakapantay-pantay.  Binubuo ng pitong bahagi ang pambungad na ito: 1) Paggigiit ng Pantay na Karapatan at Karapatang Mabuhay; 2) Pagtatatag ng Kilusang Kababaihan at Paglahok sa mga Usaping Pambayan at Pakikibakang Pulitikal; 3) Pagsulong ng mga Kilusang Kababaihan, Paglakas ng Kasaysayang Panlipunan, Bagong Kasaysayan, at Pagsibol ng mga Sentro ng Araling Kababaihan; 4) Pagsilang ng Kilusang LGBT at Pagbibinhi ng Araling Pangkasarian at Pangsekswalidad; 5) Mga Tema ng mga Akda sa Wikang Filipino; 6) Ambag ng mga Kontribyutor sa Isyung Ito; at 7) Mga Kasalukuyang Hamon sa Pananaliksik Pangkababaihan at Pangksarian.