HomeDALUMAT E-Journaltomo 5 bilang 1 (2019)

GAMIT, EPEKTO AT KULTURAL NA REPRESENTASYON NG NGANGA NG MGA PANGKAT-ETNIKO SA PILIPINAS

Freddielyn B Pontemayor

 

Abstrak:

Ang inilabas na ulat ng World Health Organization ay nagbigay-babala at daan sa pagsusuri ng gamit at negatibong epekto ng nganga sa mga bansang Asya-Pasipiko na kung saan ang Pilipinas ay isa sa pangunahing kumukunsumo ng produktong ito. Sa papel na ito ginamit ang terminong nganga (betel chewing) na kumakatawan sa Filipinong katawagan na bunga (betel nut), bunga-dahon (betel leaf) at apog (lime) na may baryasyong bonga, buyo at apug naman sa wikang Bisaya. Ang mga nabanggit ay kumakatawan sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa kalusugan, paniniwala, tradisyon o kultura ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas na kakikitaan sa mga salaysayin o kwento gaya ng epiko, kwentong-bayan, awit, mitolohiya at alamat. Batay sa natuklasan, may mahahalagang gamit ang nganga gaya nang pinapawi nito ang pagod ng isang tao, nagsisilbing aprodisyak, nakapagpapagaling ng ilang karamdaman o iba pang sakit ngunit kakambal din nito ang negatibong epekto gaya oral cancer, kawalan ng gana sa pagkain, pagsusuka at marami pang iba. Sa kabila ng mga siyentipikong imbestigasyon ukol sa gamit at negatibong epekto ng nganga, patuloy pa rin ang paggamit nito ng ilang pangkatetniko sa Pilipinas. Kaya, nilalayon ng pag-aaral na ito na: (1) mabigyang-kabatiran o kamalayan ang mga pangkatetniko ukol sa gamit at negatibong epekto ng nganga na hindi maisasantabi ang kanilang tradisyon at kultura, (2) mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan na repleksyon ng kasaysayan at tradisyon, at (3) mabigyan ng karampatang pag-unawa at paggalang ang iba’t ibang kultura ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas.