HomeMALAYvol. 30 no. 2 (2018)

Geena Rocero: Isang Pagsipat sa Trans-pormasyon ng Pagtatanghal sa Birtuwal na Mundo

Jaco B Tango

 

Abstract:

Sinusuri ng papel ang mga retrato sa Instagram account ni Geena Rocero bílang isang transgender woman. Gamit ang teorya ni Erving Goffman (1959) na Dramaturgy at ni Judith Butler (1988) na Gender Performativity, sinipat ng mananaliksikik kung paano itinatanghal ni Rocero ang kaniyang sarili at kasarian sa birtuwal na espasyo. Sa kabuuan, mayroong bílang na 986 ang mga retratong naipaskil niya sa kaniyang account. Ang unang bahagi ay bubuuin ng 197 retrato na ipinaskil niya bago ang nasabing pag-amin; at ang natítiráng 789 na retrato ay ang mga ipinaskil niya makaraan niyang gawin ang nasabing pag-amin sa TED Talk noong Marso taóng 2014. Sa kung mayroong maláy o di-maláy na pagmamaniobra si Rocero sa kaniyang mga retrato ay mas higit na dapat bigyang-diin sa kung paanong naitanghal niya ang sarili at kasarian upang mabuo ang “impression” higit sa “appearance” sa harap ng kaniyang mga tagatunghay. Dagdag pa, mas higit na napansin din sa analitikal na konteksto na ang naturang pagtatanghal ni Rocero sa birtuwal na mundo, partikular sa Instagram, ay maaari ring tingnan bílang politikal. Sa ganitong gana, nagkakaroon ng pagtatalaban sa pagitan ng politikal at dramaturhikong aspekto sa bahagi na nagkakaroon siya ng kakayahan na idirehe ang gawain ng isa pang indibidwal.