Ang arakyo ay isang pagtatanghal na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa sa lalawigan ng Nueva Ecija. Itinatampok sa pagtatanghal ang pagdiriwang at pagpaparangal sa banal na krus na kinamatayan ni Hesukristo. Kilala ang arakyo bilang isang lokal na kultura sa lalawigang ito. Isa ang bayan ng Peñaranda na nagpapatuloy ng ganitong uri ng lokal na kultura na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo. Hangad ng papel na ito na mailahad ang naratibo ng tatlong orihinal na arakyo upang maipakita ang historikal na konteksto nito. Ang mga orihinal na ginamit sa pananaliksik ay mula sa barangay ng Sto. Tomas, Las Piñas at Sina Sahan. Layunin din ng pag-aaral na maisagawa ang panimulang dokumentasyon ng tatlong orihinal ng arakyo.