Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makabuo ng isang kagamitang pampagtuturo inugnayan ng dominyo ng Kulturang Popular. Nilayon din ng pag-aaral na ito na malaman ang performans ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pretest sa asignaturang Filipino. Nalaman ang lebel ng pagtanggap sa binuong materyal at ang kabisaan ng kagamitang panturo batay sa resulta ng posttest sa Asignaturang Filipino. Ang deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat ay isinagawa sa pamamagitan ng labingwalong (18) guro at dalawang daan at dalawampo at dalawa (222) mag-aaral ng Luis Palad Integrated High School upang kumalap ng mga datos sa mga mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng cluster sampling at purposive sampling naman para sa dalawampo at anim (26) na mag-aaral sa pagbalido ng kagamitang pampagtuturo.Gumamit ng pormulang weighted mean, standard deviation, mean, at t-test bilang pamamaraang estadistika upang maanalisa ang mga datos na nakalap.Batay sa resulta ng pag-aaral, lubos na katanggap-tanggap sa mga guro at mag-aaral ang modyul na ginamitan ng bahagi ng Kulturang Popular bilang kagamitang panturo sa Grado 8 batay sa nilalaman, kaugnayan sa paksa, kaayusan, orihinalidad at impak sa mag-aaral.Mayroon ding mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng kahinaan ng mga mag-aaral sa Garado 8 sa pretest at posttest sa limang pangkat na may resultang tanggapin ang alternatibong hypothesis. Natuklasan sa pag-aaral na ito, iminungkahi ng mananaliksik na magkaroon pa ng mas malawak na pag-aaral hinggil sa Kulturang Popular. Ang mga panuto sa bawat gawain sa kagamitang pampagtuturo ay dapat tiyaking maliwanag upang mas madali itong maunawaan ng mag-aaral. Dapat pang dagdagan ng mga larawan na makatatawag ng pansin at makaaakit ng interes ng mga mag-aaral kagamitang pampagtuturo na inihanda. Dapat ding magsagawa ng iba pang pag-aaral kung saan ang mga kalahok ay mula sa una, gitna, at huling pangkat upang mas makita ang kabisaan ng buong kagamitan sa pagtuturo. Dapat ding gumamit ng iba pang baryabol at ilan pang mga aralin sa mga sumusunod na pag-aaral upang mas makatulong sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral.