HomeDALUMAT E-Journaltomo 6 bilang 1 (2020)

KALIPUNAN AT PAGLALARAWAN SA MGA SALITANG PAMPANGISDAAN SA KAWIT, CAVITE

Christian George C. Francisco

 

Abstrak:

Inilahad sa papel na ito ang rehistro ng wika na ginagamit sa pangisdaan sa Kawit, Cavite bilang bahagi ng pag-aaral hinggil sa dibersidad ng wika ng lalawigan. Nilayon din ng pag-aaral na ito na puspusang mailarawan ang debelopment ng nabanggit na barayti ng wika at kung papaano ito napaunlad sa pamamagitan ng migrasyong pantao. Ang ganitong uri ng mga pag-aaral ay maituturing na papausbong na mga paksang pangwika sa kadahilanang pumapaloob ito sa konteksto ng lokalisasyon kung saan nabibigyang-puwang ang kahalagahan ng kulturang lokal. Mababatid sa kasalukuyang pag-aaral na ang pagkakaroon ng sariling leksikon ng mga mangingisda ay maituturing na isang tiyak at payak na kultura na pekulyar para sa kanila. Sa gayon, maaaring sabihin na sila ay kabilang sa isang pangkat-wika na may sariling gawi, paniniwala, at saloobin na may kaugnayan sa trabahong kanilang ginagalawan. Saklaw ng kasalukuyang pag-aaral ang pagkalap ng mga leksikon na ginagamit sa pangisdaan sa Kawit, Cavite. Hindi nagtakda ang mananaliksik ng minimum na bilang kaugnay sa mga salitang kinalap. Isinagawa ang pag-aaral sa tinatawag na Boracay Island batay na rin sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan ng Kawit. Ang Boracay Island sa nabanggit na bayan ay isang kostal erya na binubuo ng limang barangay: Pulburista, Samala-Marquez, Aplaya, Kanluranin, at Congbalay-Legaspi.