HomeDALUMAT E-Journaltomo 6 bilang 1 (2020)

Elites and Ilustrados in Philippine Culture ni Caroline S. Hau

Meryn Lainel B. Moya

 

Abstrak:

Ang Elites and Ilustrados in Philippine Culture ni Caroline S. Hau ay isa sa mga kilalang aklat na may malaking kontribusyon sa Araling Filipino. Ang aklat na ito ay isinulat upang maunawaan ang kahulugan, kabuluhan, mga pagkakaiba ng mga tinatawag na elites at illustrados. Ipapakita rin sa aklat na ito kung paanong ang panitikan ng Pilipinas partikular sa mga sikat na manunulat ay naiugnay sa mga intelektuwal at popular na pagdedebate sa kasaysayan, at pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tinatawag na elistista. Ito rin ay para sa mga Pilipino at sa lahat na mga may interes sa Pilipinas upang mamulat at magkaroon ng imahe sa tunay na karanasan ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol at Amerikano pati na rin ang masalimuot na karanasan ng mga Pilipino noong Martial Law at EDSA Revolution.