HomeKarununganvol. 9 no. 1 (1992)

Isang Sokratikong Landas sa Pag-Aaral/Pagtuturo ng mga Pagpapahalagang Moral

Rainier R. A Thana

Discipline: Philosophy, Morality

 

Abstract:

ISANG NAKAGUGULAT na karanasan itong pagmumunimuni ukol sa mga halagang moral. Kadalasan, dahil ipinapalagay na alam na ng tao. kung ano ang kanyang mga pagpapahalaga, hindi na niya napapansin kung ano nga ba ang mga ito. Sa paghahanap-buhay ng tao, halimbawa, ipinapalagay na mahalaga ang buhay. Kaya nga may mga taong kumakayod na "parang kalabaw" upang siya ay may makain, may maisaplot sa katawan, at may masilungan.

 

Subalit hindi hanggang dito lamang ang larangan ng buhay. Nagiging mistulang kalabaw nga ang ganitong pamumuhay kung mananatiling nakalublob na lamang ang tao sa mga pagpapahalagang makalupa. Kasabay ng kanyang pagsisikap na mabuhay, alarn din ng tao na hindi sapat ang mga biyolohikong pagpapahalaga. Ang pagtitiis ng mga bayani at ang pagsasakripisyo ng mga banal ang makapagpapatunay na hindi lamang basta nakalubog ang tao sa hangaring makalupa. Ayon nga kay Max Scheler, isang bukod-tanging katangian ng tao ang kakayanang mag-alay ng sarili para sa mga pagpapahalagang nakahihigit sa pangkatawang buhay.