HomeThe PASCHR Journalvol. 5 no. 1 (2023)

Turumba sa Birhen Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna

Alan Navida

 

Abstract:

Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo. Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapasusubalian na nagbunga ng pagpapanibagong-hubog sa sining at lipunang Pilipino. Ang dating animistikong paniniwala at mga mimetikong pagkilos at ritwal ay napalitan ng Kristiyanong pananampalataya at mga gawaing banal na ang tuon ay mga imahen at mga santo, na dati-rati ay kalikasan, mga espiritu at anito. At ang ilang impluwensyang kanluranin sa kulturang Pilipino ay patuloy na nananatili, hindi lamang bilang kolektibong memorya bagkus ay kaganapan, hanggang sa kontemporanyong panahon. Ang papel na ito ay isang saliksik at suri sa kasaysayan, mga gawaing nakasanayan, at estetiko ng karanasan na nakapalibot sa pagdiriwang ng kakaibang prusisyon, na tinatawag na Turumba sa Birhen, sa Lupi (pista) nang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba o Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna. Ito ay pagsipat, pagsuri at paghayag sa mga naratibo ng karanasan ng debosyon, at mga ugnayan sa pagitan ng Birhen at nang mga mamamayan at iba pang deboto, nang Simbahan at nang Pamahalaang Bayan, at nang buong pamayanan ng Pakil sa pangkalahatan. Pagsusumikapang matiyak kung papaanong ang isang lipunan ay ginagamit ang isang sistema ng paniniwala o kultura ng debosyon bilang buod ng pang-araw-araw na buhay na siyang nagbibigkis sa mga mamamayan at deboto, nagsisilbing natatanging pagkakakilanlan ng bayan, at imbakan ng kolektibo o sama-samang memorya at kamalayan.



References:

  1. Iñigo G. Vito. Turumba sa Birhen Maria de los Dolores Mga Kwento, Alamat, Kasaysayan, Himala ng Mahal na Birhen ng Hapis. Quezon City: Echanis Press, 1997. 7.
  2. Alejandro R. Roces. “Turumba.” Fiesta. Manila: Vera-Reyes, Inc., 1980: 107-109.
  3. Vito. 10.
  4. Gregorio C. Ybardolaza. Kasaysayan ng Pakil. (walang ibang nakasulat maliban sa pamagat ng aklat at pangalan ng may akda; wala ring pahina, tingnan ang Ikalawang Bahagi Kabanata XI.)
  5. 5 Ybardolaza.
  6. Alejandro R. Roces. “The Turumba of Pakil Rituals of Healing.” Mabuhay The Inflight Magazine of Philippine Airlines. September 1988.
  7. Iñigo G. Vito. Personal na Panayam. Simbahan ng Pakil, Laguna. 19 Abril 2004.
  8. Hango sa attachment sa sulat ni G. Iñigo Vito para sa Pangulo ng Pilipinas, Kgg. Gloria Macapagal-Arroyo, na may petsang Hunyo 7, 2002, bilang paanyaya sa kauna-unahang Grand Turumba Festival.
  9. Hango sa nilalaman ng Rationale ng Grand Turumba Festival sa kauna-unahang pagtatanghal nito noong 2002.
  10. Hango sa lektyur ni Propesor Felipe M. da leon, Jr. na may titulong “Defining the Filipino through the Arts: Fron Specialistic Innocence to Participatory Consciousness”.
  11. Felipe Landa Jocano. Filipino Value System A Cultural Definition. Quezon City: PUNLAD Research House, Inc., 1997. 60-67.
  12. Jocano. 52.
  13. Cahimat, Christopher. Pangulo ng Alagad ng Birhen. Personal na Panayam ng Mananaliksik. Simbahan ng Pakil, Laguna. 18 Abril 2012.
  14. Dela Vega, Chato at Pamilya. Mga Deboto mula sa Lucena at Sat. Cruz. Personal na Panayam ng Mananaliksik. Sa altar ng Simbahan ng Pakil,
  15. Laguna. 14 Mayo 2010.
  16. Ferrer, Simeon. Piling Alagad ng Bithen. Personal na Panayam ng Mananaliksik. Simbahan ng Pakil, Laguna. 19 Abril 2004.
  17. Galleros, Lara. Municipal Tourism Officer Designate. Personal na Panayam ng Mananaliksik. Opisina ng Tagapamahalang Bayan, Pakil, Laguna. 7 Abril 2012.
  18. Vito, Iñigo G. Lokal na Historyador ng Pakil. Personal na Panayam ng Mananaliksik. Simbahan ng Pakil, Laguna. Agosto 2000, Abril 2001, Abril 2002, Mayo 2003, Abril 2004 at Setyembre 2004.
  19. Sanggunian Constantino, Renato. The Hispanization of the Philippines. Renato Constantino Filipiniana Reprint Series Book 2. Mandaluyong: Cacho Hermanos, Inc., 1985
  20. Dewey, John. Art as Experience. New York: Capricorn Books, 1934.
  21. Espenilla, Msgr. Roberto. Walking Towards the Splendour of God... A Directory of Religious Shrines in the Philippines. Muntinlupa City: ARSP, 1995.
  22. Jocano, Felipe Landa. Filipino Value System A Cultural Definition. Quezon City: PUNLAD Research House, Inc., 1997.
  23. Roces, Alejandro. “The Turumba of Pakil Rituals of Healing.” Mabuhay The Inflight Magazine of Philippine Airlines. September 1988.
  24. Vito, Iñigo G. Turumba sa Birhen Maria de los Dolores: Mga Kwento, Alamat, Kasaysayan, Himala ng Mahal na Birhen ng Hapis. Quezon City: Echanis Press, Inc., 1997.
  25. Ybardolaza, Gregorio C. Kasaysayan ng Pakil. (walang ibang nakasulat)