HomeAugustinianvol. 23 no. 1 (2022)

Naratibisasyon at Dramatisasyon ng Negatibong Pamumuhay na Masisilip sa mga Kontemporaneong Premyadong Sugilanon (Paglihis sa Nakaugalian at Pag-iwas sa Pagiging Istiryotipo)

Erwin Sustento

 

Abstract:

Pagtatampok ng mga hindi kanais-nais na pag-uugali ng mga tao na namagitan sa Rehiyon VI sa pamamagitan ng mga halaw na tekstong nailimbag ng mga manunulat na Ilonggo sa kontemporaryong panahon. Layunin ng pananaliksik na maisa-isa ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali ng mga tauhan sa nasipat na mga sugilanon at nais bigyang halaga sa papel na ito na ang kabutihang taglay ng mga tauhan ay higit na napapalitaw sa pamamagitan ng mga taliwas na gawi na naipapamalas ng iba pang kasangkot na tauhan sa sugilanon. Konsepto ng Dating ni Lumbera (2000) ang ginamit na teoryang batayan sa pagsusuri kung saan pinapahalagahan ng mananaliksik ang estetika ng teksto at palarawan ang metodong ginamit sa pag-aaral na ito. Kabilang sa mga nasipat na hindi kanais-nais na pag-uugaling naitampok sa mga sugilanon na sinangguni ay ang: nagpapaniwala sa herbularyo, pang-aabuso sa asawa ng isang bana, pagpatay sa miyembro ng pamilya, masyadong pagpapalitaw ng isang babae ng kanyang damdamin sa halip na isip, hindi pagrespeto ng isang manugang na babae sa tradisyon at kultura isang namatay, pagasa ng maka-kaliwa, kanan at ibang miyembro ng lipunan sa kita ng iba, hindi pagbibigayimportansiya ng isang anak sa edukasyon, ang pagkawala ng puri ng isang babae bago siya ikasal, ang panghihimasok ng isang mayaman sa gawain ng simbahan at ang palagiang pag-iwan sa sariling bayan. Batay sa resulta, ang mga negatibong pag-uugali na ito ay naitampok upang palitawin ang katingkaran ng isang bida sa sugilanon.



References:

  1. Sanggunian
  2. Anonuevo, R. T. et al. (2011). Kalagan: Filipino para sa akademikong komunikasyon. Makati City: The Bookmark, Inc.
  3. Bautista, P. (2000). Ang maikling kuwento bilang isang sining. Quezon City: New Day Publishing.
  4. Constantino, P. C. et al. (1996). Mga piling diskurso sa wika at lipunan. Quezon City: University of the Philippines Press.
  5. Cruz, I. (2019). Reading the regions. Teaching Philippine literature from multi-Perspectives.
  6. Gonzales, A. T. (2009). Sa tuguangkan sang duta kag iban pa nga sugilanon. Iloilo City: Seguiban Printing and Publishing, Enterprises, Inc.
  7. Lumbera, B. (2000) Writing the nation/Pag-akda ng bansa. Quezon City: University of the Philippines Press
  8. National Commission for Culture and the Arts.
  9. National Commission on Literary Arts.
  10. Philippine Humanities Review. (2001). Rebyu ng Arte at Literatura ng Pilipinas. Volume 5. Quezon City: College of Arts and Letter. University of the Philippines.
  11. Pulong nga Hiligaynon Para sa Tanan (2010). Iloilo City: Ave Maria Press.
  12. Ragasa, J. D. (2002). Modular approach in society, culture and population education with family planning. Manila: Adamson University.
  13. Teodoro, J. I. (2014). Pagbabalik sang babaylan: antolohiya ng mga maikling kuwento sa Hiligaynon. Komisyon sa Wikang Filipino, Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining. Aklat ng Bayan.
  14. Torres-Yu, R. (2011). Alinagnag.Manila: University Of Santo Tomas Printing Press.
  15. Timberza, F. T. (2008). Sariling wika at pilosopiyang Filipino. Quezon City: C&E Publishing Inc.
  16. Yu, R. T. (2006). Kilates: panunuring pampanitikan ng Pilipinas. Quezon City: University of the Philippines Press.

Mga Sugilanon na Ginamit

  1. “May Manunggal Man Paraiso” ni Teodulfo Abella Naranjo. Hilgaynon (Marso 16, 1994)
  2. “Esperanza” ni Alice Tan Gonzales” SanAg5 (Nobyembre 2009) Sa Taguangkan sang Duta kag
  3. Iban pa nga Sugilanon (Seguban Printing ang Publishing Enterprises, 2009)
  4. “Aswang” ni Isabel D. Sebullen SanAg2 (Nobyembre 2002)
  5. “Si Beryong Balikbayan” ni Genevieve L. Asenjo SanAg4 (Nobyembre 2004)
  6. “Haligi nga Asin” ni Lester Mark Carnaje SanAg3 (Nobyembre 2003)
  7. “Si Padre Olan kag ang Diyos” ni Peter Solis Neri, Carlos Palanca Memorial Awards for
  8. Literature- Unang Gantimpla, 2013
  9. “Bitay” Marcel Milliam, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature- Ikatlong Gantimpla, 2008
  10. “Ang Pagbalik sang Babaylan ni Leoncio P. Deriada, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature- Unang Gantimpla, 2008
  11. “Isa Ka Pungpong nga Rosas” ni Alice Tan Gonzales, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature- Unang Gantimpla, 1997
  12. “Mga Luha Para kay Tatay Jose” ni Alice Tan Gonzales, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature- Ikalawang Gantimpla, 1997