Panimulang Dalumat sa mga Tula ng mga Magkokopra sa Bondoc Peninsula Tungo sa Pagsiyasat sa Panlipunang Kaakuhan
Romeo P. Peña
Discipline: Cultural Studies
Abstract:
Ang papel na ito ay nakasentro sa panimulang pagsusuri sa panitikan
na may kaugnayan sa pagkokopra o paglulukad (paglulukad ang taal na tawag
sa Lalawigan ng Quezon sa pagkokopra) na ang karamihan ay naisulat ng mga
magkokopra o maglulukad sa Bondoc Peninsula (isang distrito sa Lalawigan ng
Quezon). Nakaugat ang pagsusuri sa danas at gunita sa pagkokopra na nakapaloob
bilang konteksto ng panitikan na karaniwang tumatalakay kung paano nakikibaka at
nakikipaglaban ang mga maglulukad sa Bondoc Peninsula sa karapatan sa lupaing
kanilang kinokopra at ang karapatang magkaroon ng maaayos na buhay na hindi
napagsasamantalahan ng mga panginoong maylupa na nagmamay-ari pa rin ng
ekta-ektaryang lupain sa Bondoc Peninsula. Nagiging mabisang kasangkapan ng
mga maglulukad ang panitikan, katunayan nito, naglalabas sila ng mga pahayagan
na sila mismo ang nag-iimprenta na naglalaman ng mga akdang pampanitikan tulad
ng mga tula tungkol sa karanasan nila sa pagkokopra kasama na ang paggunita
nila sa kahirapang dinaranas nila sa hanapbuhay na ito, na halos dugo’t pawis ang
iniaalay upang kumita lamang ng panustos sa kanilang pamilya. Dito sinubukan
ko ang panimulang pagmamapa sa kultura at kasaysayan ng pagkokopra sa
Bondoc Peninsula. Gamit ang dalawang halimbawang tula na likha mismo ng
mga magkokopra, sinimulan kong dalumatin ang nagiging panlipunang kaakuhan
o identidad ng mga maglulukad mula sa danas at gunita nila sa pagkokopra sa
Bondoc Peninsula. Ginamit kong batis ang mga akdang tumatalakay sa kalagayan
ng Bondoc Peninsula, tiningnan ko rin ang konsepto ni Alejandro Abadilla kung
paano nalilikha ang kaakuhan sa panitikan. Samakatuwid, perspektibong pangidentidad at panlipunan ang tinahak na landas ng pananaliksik na ito tungo sa
pagkokonsepto ng tinatawag kong “siyasat sa panlipunang kaakuhan”.
References:
- Abadilla, A. G. (1944). Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan nasa Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan ni Soledad S. Reyes. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing Inc.
- Abadilla, A. G. (1955). Ako ang Daigdig at iba pang mga Tula. Maynila: Silangan Publishing House.
- Almario, V. S. (1984). Ang Halimbawa ni Abadilla nasa Balagtasismo Versus Modernismo. Lungsod Quezon: Ateneo De Manila University Press.
- Aquino, C. C. (1999). Pagbabahagi ng Kwentong Buhay: Isang Panimulang Pagtingin nasa Gender-Sensitive and Feminist Methodologies;
- A Handbook for Health and Social Researchers, pat. Sylvia H. Guerrero. Quezon City: University of the Philippines Press.
- Dannenberg J., Lanfer A., at Richter J. (2009). Criminalization of Human Rights Defenders in Agrarian Conflict - Structural Considerations nasa Observer: A Journal on Threatened Human Rights Defenders in the Philippines. Quezon: International Peace Observers Network.
- Franco, J. C. (2003). On Just Grounds: The New Struggle for Land and Democracy in the Bondoc Peninsula. Quezon City: Institute for Popular Democracy and Amsterdam: Transnational Institute.
- Franco, J. C. (2011). Bound by Law: Filipino Rural Poor and the Search for Justice in a Plural-Legal Landscape. Quezon City: Ateneo De Manila University Press
- Jannota, E. (2010). More than Just Farmers-The KMBP in Bondoc Peninsulanasa Observer: A Journal on Threatened Human Rights Defenders in the Philippines. Quezon: International Peace Observers Network.
- Molina G. (2013). Coconut Industry in the Philippines nasa http://rboi.gov.ph/uploads/doc_files/coconutindustry.pdf
- Philippine Coconut Authority (PCA) website: http://www.pca.da.gov.ph/
- Philippine Statistics Authority (PSA) website: https://www.psa.gov.ph/
ISSN 2546-0765 (Online)
ISSN 2467-6330 (Print)