HomeBisigvol. 2 no. 1 (2015)

Neoliberalismo at ang Kilusang Paggawa sa Pilipinas: Epekto at Pakikibaka

Daisy Arago

Discipline: Politics, Development Studies

 

Abstract:

Isinagawa noong Oktubre 8-9, 2014 ang isang Pambansang Kumperensya ng mga lider manggagawa, trade union centers mula sa iba’t ibang panig ng bansa at iba pang obrero mula sa plantasyon, minahan, manupaktura, serbisyo at iba pang labor advocates mula sa hanay ng akademya, lawyers, legislators, taong simbahan at iba pang pang mula sa mga organisasyon na nagtataguyod ng karapatang pantao. Ang nasabing kumperensya ay magkatuwang na inilunsad ng PUP Institute for Labor and Industrial Relations (ILIR), ng All UP Workers Alliance at pinangunahan ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) bilang bahagi ng kanilang ika30 anibersaryo ng paglilingkod at pakikibahagi sa pakikibaka ng uring manggagawa at sambayanan. Ang Pambansang Kumperensya ay may temang “Isulong ang Karapatan, Labanan ang Neo-liberal na Atake sa Manggagawa at Kilusang Paggawa” at dinaluhan ng mahigit 100 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang sumusunod na artikulo ay kabilang sa mga tampok na papel na inihapag sa nasabing kumperensya. Ito ay orihinal sa Ingles pero ngayo’y isinalin sa Filipino at inililimbag sa Bisig sa layuning patuloy na ipalaganap sa mga manggagawa at mamamayan ang pangangailangang magkaisa upang labanan ang neoliberal na atake sa manggagawa at kilusang paggawa.