Ang Pagdalumat ng Bentahan sa Navotas Fish Port Complex Upang Masipat ang Kalagayan ng Pangingisda sa Pilipinas
Reneille Joy M. Tayone
Discipline: Development Studies
Abstract:
Lumalala sa Pilipinas ang suliranin sa pangingisda dahil sa politikal
na paraan ng pamamahala ng gobyerno. Sinipat sa pag-aaral na ito
ang kalagayan ng bentahan ng mga pagkaing-dagat sa Navotas Fish
Port Complex batay sa pagsaalang-alang sa kalikasan, panahon, at
pandemyang Covid-19. Binuo ito sa tatlong magkakaugnay na layunin
ngunit magkakaiba ng paraan ng pagsipat. (1) ang panahon sa karaniwang
bilang ng inaangkat at nabebentang isda, (2) ang pag-aangkat ng isda batay
sa bilang, uri, at pinagmulan/pagdadalhan, (3) presyong inilalatag batay
sa supply at demand ng isdang naangkat. Ginamit ang socio-economic
bilang teorya sa pag-aaral dahil hangad na makita ang kilos ng mga tao
sa bentahan ng isda upang matugunan ang benta at makaambag sa
ekonomiya. Nabatid sa pag-aaral na malaki ang gampanin ng pamahalaan
sa pangingisda dahil mayroon pamantayan na kailangang sundin bago
makapanghuli at maiangkat ang pagkaing-dagat. Dagdag pa rito, naipakita
na mas bumababa habang tumatagal ang inaangkat na isda sa NFPC dahil
sa mga suliranin sa maayos na panghuhuli, hindi inaasahang sakuna, at
epekto ng kasalukuyang pandemya. Ito ay nakaapekto sa magiging presyo
ng isda sa palengke o iba pang pamilihan. Ngunit higit na nagsasakripisyo
ang mga mangingisda at kasapi sa bentahan dahil nakatuon lamang ang
solusyon ng pamahalaan sa importasyon ng isda sa ibang bansa. Sa
kabuuan, mainam na may malay ang isang tao sa salik ng dami o kaunting
benta upang makiangkop sa lipunan habang kailangan magpatupad ang pamahalaan ng maayos na plataporma para sa pagpapayabong ng
pangingisda sa ekonomiya ng Pilipinas
References:
- Alapan, M. P., Arpilleda, E. I., Altizo, K. R., Frias, G. R., & Ravelo, J. D. (2016). Factors affecting the market price of fish in the northern part of Surigao Del Sur, Philippines. Journal of Environment and Ecology. 7(2), 34-41. https://www.researchgate.net/publication/312237781_Factors_Affecting_the_Market_Price_of_Fish_in_the_Northern_Part_of_Surigao_Del_Sur_Philippines
- Arago, J. (2004). ...From Tambobong to city of Malabon. Malabon: Malabon Cultural and Tourism Council.
- Armada, N., & Bacalso, R. (2010). Managing municipal marine capture fisheries in the Philippines: context, framework, concepts & principles.(1st Edition) Cebu City, Philippines: Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)
- Ashford, R. (2004). What is Socioeconomics? San Diego Law Review. 41(1), 4-10. https://digital.sandiego.edu/sdlr/vol41/iss1/3/
- Author, S. (2019, Hunyo 21) Price elasticity of demand. Investopedia. https://www.investopedia.com/video/play/price-elasticity-demand/
- Charles, A. T. (1988). Fishery Socioeconomics: a survey. University of Wisconsin Press. 64(3), 276-295. https://www.jstor.org/stable/3146251
- Factura, H., Cimene, F. A. & Nacaya, I. Q. (2021). Socio-Economic issues of urban small-scale fisherfolks in Cagayan de Oro City, Philippines. American Journal of Multidisciplinary Research & Development (AJMRD). 3(11), 1-6. https://www.ajmrd.com/wp-content/uploads/2021/12/A3110106.pdf
- Fernando, J. (2019, Setyembre). Law of supply and demand. Investopedia. https://www.investopedia.com/terms/l/law-of-supply-demand.asp
- Ferrer, A. G., Pomeroy, R., Akester, M. J., Muawanah, U., Chumchuen, W., Lee, W., Hai, P., & Viswanathan, K. (2021). COVID-19 and small-scale fisheries in Southeast Asia: impacts and responses. Asian Fisheries Society. 34(1), 99-113. https://www.asianfisheriessociety.org/publication/downloadfile.355&file=Y0dSbUx6QXlOekU0TkRRd01ERTJNVGswTURZME1qa3VjR1Jt
- Gagalac, R. (2019, Disyembre 6). PH mag-aangkat ng galunggong matapos ang ‘doble-presyo’ sa ilang palengke. ABC-CBN News. https://news.abscbn.com/business/12/06/19/ph-mag-aangkat-ng-galunggong-matapos-ang-doble-presyo-sa-ilang-palengke
- Gordon, J. (2022, Mayo 28). Social Economics – explained. The Business Professor. https://thebusinessprofessor.com/en_US/economic-analysis-monetary-policy/social-economics-definition
- Guerrero, R. III. (2018, Hulyo 7). Conserving our marine fisheries with closed fishing seasons. Monthly Agriculture. https://www.agriculturecom.ph/2018/07/07/conserving-our-marine-fisheries-with-closed-fishing-seasons/
- Hellmich, S. N. (2015, Enero 15). “What is socioeconomic? an overview of theories, methods and themes in the field.” https://www.researchgate.net/publication/273307259_What_is_Socioeconomics_An_Overview_of_Theories_Methods_and_Themes_in_the_Field
- Lumaque, L. L., Lopez, A.A, & Comedis, E. J. (2015). Navotas: sharing their fishing culture.” DLSU Research Congress 2015. 3, 1-4. https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/research-congress-proceedings/2015/LCCS/002LCS_Lumaque_LBL.pdf
- Mercado, Jillard O., & Mercado Rozette E. (2016). Analysis of Socioeconomic profile of rural fishers in northern part of Surigao Del Sur, Philippines. World Journal of Fish and Marine Sciences. 8(1), 64-67. https://www.academia.edu/27934431/Analysis_of_Socioeconomic_Profile_of_Rural_Fishers_in_Northern_Part_of_Surigao_Del_Sur_Philippines
- Nuncio, R. V., & Nuncio, E. M. (2004). Sangandiwa: Araling Filipino bilang talastasang pangkalinangan at lapit-pananaliksik. mga sanaysay na tinipon at inihanda ng mga may-akda. Manila: University of Sto. Tomas Publishing House.
- Pelayo, R. & Navales, R. (2014, Agosto 22). Bilang ng mga rehistradong mangingisda sa bansa, mahigit sa 1 milyon na! UNTV News & Rescue. https://www.untvweb.com/news/bilang-ng-mga-rehistradong-mangingisda-sa-bansa-mahigit-sa-1-milyon-na/
- Rodriguez, A. D. (2020, Pebrero 5). Navotas Fish Port makeover elevates Philippine fishing industry. Department of Agriculture. www.da.gov.ph/navotas-fish-port-makeover-elevates-philippine-fishing-industry/
- Ross, S. (2022, March 17) How does price elasticity affect supply? Investopedia. https://www.investopedia.com/ask/answers/040615/how-does-price-elasticity-affect-supply.asp
- Tarver, E. (2021, Marso 23). Social Economics. Investopedia. https://www.investopedia.com/terms/s/social-economics.asp
- Tayone, R. J. M. (2021, Enero). NAVOTA(A)S: Pagmamapa ng bentahan sa pamilihang Fish Port Complex gamit ang pag-aaral na Socio-Economic Geography. [Master’s thesis, Pamantasang De La Salle Maynila]. Animo Repository. https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/2/
- Tullao, T. S. Jr. (1992). Kultura at kaunlaran: tungo sa ekonomiks ng lakas ng loob at magandang loob (kapag nabigo na ang bilihan at pamahalaan). Malay. 10(1), 24-37. https://ejournals.ph/article.php?id=7785.
- Whelan, J., & Msefer, K. (1996, Enero 14). Economic supply & demand. https://ocw.mit.edu/courses/sloan-school-of-management/15-988-system-dynamics-self-study-fall-1998-spring-1999/readings/economics.pdf
- (2018, Mayo 14). Born to be wild: Doc Nielsen visits the largest fish port in the Philippines. GMA Public Affairs. https://www.youtube.com/watch?v=CVcYzNpAeLM
- (2022, Marso 3). Presyo ng ilang isda sa Blumentritt market, mataas pa rin | UB. GMA News. https://www.youtube.com/watch?v=Ow1cx2LksqM
- (2022, Hunyo 15). Presyo ng isda sa ilang palengke, tumaas sa gitna ng kaunting supply | 24 Oras. GMA News. https://www.youtube.com/watch?v=zQK7lJk2uP8.
- (2022). Socioeconomic status. https://family.jrank.org/pages/1609/Socioeconomic-Status-TheoreticalBackground.html#:~:text=The%20sociologist%20Max%20Weber%20.1958.understood%20as%20honor%20and%20stige
ISSN 2546-0765 (Online)
ISSN 2467-6330 (Print)