Isang Pagsisiyasat sa mga Akdang Pampanitikan sa Ikaapat na Antas ng Batsilyer ng Elementarya sa Edukasyon sa Paglinang ng mga Pilosopiyang Likas at Pagpapahalagang Moral na Ginagamit sa Pagtuturo sa Pamantasan ng Cabuyao
Rommel DC Mallari
Discipline: others in creative arts and design
Abstract:
Ang pilosopiyang buhay ng mga taongbayan ay matutunghayan sa kanilang literatura o
panitikan, maging ito man ay isinulat o salim-bibig.
Nakahabi ang karanasan at pag-iisip ng mga tao sa
kanilang mga mito., at leyenda o alamat, tula, epiko,
awit, paniniwala, bugtong, seremonya, kaugalian,
katutubongsayaw, pasyon, komedya, kurido, duplo,
senakulo, dula, balagtasan, atbp. Ang mga
pilosopikong pagninilaynilay ng mga kasalukuyang
dalub-aral at manunulat, mga dalubgurong pilosopiya
at iba’t ibang dalubhasaan at pamantasan sa bansa ay
siyang mayamang bukal ng mga pag-iisip at pananaw.
Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa matatandang
katutubo tungkol sa kanilang mga karanasan at
pananaw sa mundo ay makahihinuhang katutubong
pilosopiya sa buhay ng mga taong-bayan. Mahihinuha
ang paraan ng pag-iisip ng isang tao mula sa kanyang
mga salita at mga kilos sa pagkatang mga salita at mga
kilos ay mga bunga ng kaisipang-tao. Kaya sa
pamamagitan ng pagmumunimuni’t pag-aanalisa sa
mga wika at kaugalian ng mga Filipino ay malalaman
ang kaisipang Filipino. Ang pananaliksik ay bibigyang
pansin sa pamamagitan ng makabuluhang pagsisiyasat
ng pag-aaral, upang makapagbigay ng impormasyon
tungkol sa konseptong pagpapahalagang moral at
Pilosopiyang Likas sa mga Pilipino, na maaaring
hangarin mula sa mga akdang pampanitikan at tuloy
maisagawa ito nang mabisa
References:
- Linio A. Honorio, Panitikan at Kristyanismong Pilipino, 1977
- Alejandro G. Abadilla, Panitikan, 1974 Dr. Ramon C. Reyes, Moral Reflection, 1987 Saligang Batas 1987, Artikulo 14
- Dr. Florentino T. Timbreza, 1982, Pilisopiyang Pilipino
- Dr. Ramon C. Reyes, Dalubguro ng Pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila, 1985 (Uri ng pagtuklas sa pananaw ng Pilipino)
- Dr. Emerito S. Quito, 1987, Aklat-Pampilosopiya sa Pambansang wika sa pinamagatang "Pilosopiyang sa Diwa Filipino"
- Leonardo N. Mercado, Paraan ng pag-iisip at pag-uugali ng mga taong bayan (Applied Filipino Philosophy), 1977
- Dr. Manuel B. Dy, Ang mga Pilipino ay may Kasaysayan (Philosophy of Man Selected Readings), 1986
- Dr. Romualdo Abulad, Dalubguro ng pilosopiya sa Pamantasang De La Salle, Pilosopiyang Pilipino ay ang kabuuan o kalipunan ng lahat ng akda, Contemporary Filipino Philosophy, 1988
- Fr. Quintin Terrenal, SVD, Pilipinong palaisip at palaaral ang gumagawa ng kani kanilang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa diwa't pagkatao ng Pilipino, 1984
- Dr. Florentino Hornedo, Towards and Hermeneutics of Pagmamahal and Pagumura, 1997
- Leovino Garcia, The meaning of Human Being (Konsepto ng kalooban sa pamamagitan ng konsepto ng kalooban), 1997
- Albert Alejo, Tao po! Tuloy! 1990