Wikang Filipino sa Panahon ng Krisis: Ang Leksikograpiya ng mga Terminolohiyang Kaugnay ng COVID-19 sa Pilipinas
Jovert R. Balunsay | Susan M. Tindugan
Discipline: Cultural Studies
Abstract:
Patuloy pa ring nadarama ng mundo ang naging epekto nang nagdaang
pandemyang COVID-19. Halos lahat ng sektor ng lipunan ay apektado nito.
Umabot sa milyon-milyong tao ang nagkasakit, nahawahan, at namatay. Marami
na ring negosyo ang nagsara, nagbukas, at muling nalugi dahil sa mga
patakarang pangkapaligiran. Sa kabila ng lahat ng ito, sadyang marami pa rin
ang may salat na kaalaman sa pandemya, kung paano ito maiiwasan, at kung
paano ito mapaglalabanan. Sa papel na ito, sinikap tuklasin ng mga
mananaliksik ang mga terminolohiyang umusbong, ginamit, kaugnay, at
maididikit sa pandemya at binigyan ito ng kahulugan sa wikang Filipino. Sa
ganitong paraan, naniniwala ang mga mananaliksik na mas mailalapit sa masa
ang mga leksiyong turo ng pandemya. Batay sa matiim na pangangalap ng
datos, nalikom ang 940 mga pananalita na mula sa 20 magkakaibang dominyo
mula sa medisina, agham, hanggang sa edukasyon, sosyolohiya, musika, at
marami pang iba. Bawat salita ay sinuri ang kinabibilangang bahagi ng panalita
at paraan ng pagkakabuo na humantong sa mga may-akda upang mabuo ang
COVIDIKSIYONARYO na siyang awtput ng pag-aaral na ito.
References:
- Amante, J.T. (2020). Pagdalumat sa mga saliksik sa Filipino ng mga pampamahalaang unibersidad at kolehiyo sa Rehiyong Bikol: batayan sa pagbuo ng gawaing pang-ekstensiyon sa Filipino. Di Limbag na Tesis, Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes.
- Bernales, R. A., Cordero, M. E. B., Cabanlong, A. S., Golosinda, M. L., Mayor, G. L., Lopez, L. M., Balunsay, J. R., Tindugan, S. M., & Gasic, R. M. (2018). Mutya Piblishing House, Inc.
- Balunsay, J. R., Tindugan, S. M., Cantar, M. C. A. S., Sarmineto, R. F. A. & Abundo, R. S. (2018). Isang lingguwistikong etnograpiyang pag-aaral para sa wikang Bikol. [Di-limbag na Pananaliksik]. Komisyon sa Wikang Filipno at Pampahalaang Unibesidad ng Catanduanes.
- Constantino, P. (2012). Pluralidad tungo sa identidad: Ang varayti ng wikang Filipino sa pagbuo ng wika at kamalayang pambansa. In: Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Sentro ng Wikang Filipino– UP Diliman. http://ir.lib.au.edu.tw/bitstream/987654321/2619/1/CH10-conf.2009_su03_01.pdf.
- Dagmang, F. D. (2017). Midya: Imbakan at daluyan ng mga tradisyon. MST Review, 19(2). https://ejournals.ph/article.php?id=11932
- De Leon, S. (2020, May 15). Gabay sa MECQ, GCQ at MGCQ. Manila Today. https://manilatoday.net/gabay-sa-mecq-gcq-at-mgcq/.
- Hallare, K. (2021, April 4). ‘NCR Plus’ under ECQ again for one more week–Palace. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1414372/embargo-1-ncr-plus-under-ecq-again-for-one-more-week-palace. https://brainly.ph/question/5618731.
- Kpanake, L., Leno, J., Sorum, P., & Mullet, E. (2019). Acceptability of community quarantine in contexts of communicable disease epidemics: Perspectives of literate lay people living in Conakry, Guinea. Epidemiology & Infection, 147: e248.
- Peregrino, J. M., Constantino, P. C., Ocampo, N. S., & Petras, J. D. (2012). Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Diliman, Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
- Saculo, Y. N. (2021). Sikolohikal na epekto ng community quarantine sa mga piling mamamayan ng lungsod na Lipa, Batangas. http://dx.doi.org/10.13140/RG.2.2.12710.04164.
- Serafini, G., Parmigiani, B., Amerio, A., Aguglia, A., Sher, L., & Amore, M. (2020). The psychological impact of COVID-19 on the mental health in the general population. QJM: Monthly Journal of the Association of Physicians, 113(8), 531–537. https://doi.org/10.1093/qjmed/hcaa201.
- World Health Organization. (2020, June 29). Listings of WHO’s response to COVID-19. https://www.who.int/news/item/29-06-2020-covidtimeline.
- World Health Organization. (2022, February 17). Anim na paraan para manatiling ligtas at protektado laban sa COVID-19. https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/anim-paraan-para-manatiling-ligtas-protektado-laban-covid-19.
ISSN 2984-8954 (Online)
ISSN 2984-8946 (Print)