HomeUswag Journal: Philippine Journal of Multidisciplinary Researchvol. 2 no. 1 (2024)

Ang Kuwento ng Pag-iibigan nina Kurakog at Kalarab: Pagsusuri sa mga Naratibo ng mga Bagamanocnon Kaugnay ng Ilihan Point

Ma. Sofia S. Llaguno | Jovert R. Balunsay

Discipline: Cultural Studies

 

Abstract:

Sadyang mayaman sa samot-saring panitikan ang mga rehiyon sa bansa. Sa papel na ito, nilikom at sinuri ng mga mananaliksik ang hinggil sa mga naratibong kaugnay ng Ilihan Point. Gamit ang pakikipanayam, transkripsiyon at pagsusuri ay inalam ng mga mananaliksik ang iba’t ibang danas, istorya, at historya ng mga Bagamanocnon kaugnay ng Ilihan. Sentro ng pagsusuri ang pag-alam sa mga umiiral na paksa, pagpapahalaga, at aspektong kultural na nahango sa mga naratibo. At dahil dito ay napag-alaman ng mga mananaliksik na ang paksang umiiral sa mga naratibo ay tungkol sa kalikasan, mga supernatural na nilalang, at marami pang iba. Pinakamaraming nahangong pagpapahalaga sa mga naratibo ay ang katatagan. Samantala, napagtanto ring repleksiyon ng paniniwala, kaugalian, at tradisyon ang nasabing mga akda. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik upang imungkahing gawing dagdag na suplimentaryong kagamitang panturo ang mga nalikom na naratibo.



References:

  1. Abrea, T. L. (2015). Paniling sa Lekat: Ritwal ng mga Tao-Sa-Ilud at Tao-Sa-Laya. Mindanao State University—Maguindanao.
  2. Arrogante, J. A., Ayuyao, N. G. & Lacanlale, V. M. (2004). Panitikang Filipino: Antolohiya (Binagong Edisyon). National Book Store Inc.
  3. Arrogante, J. (w.p.). Panitikang Pilipino. https://www.coursehero.com/file/55194737/Panitikandocx/
  4. Atienza, O. L., Ramos, M. S., Salazar, L. A. & Nozal A. R. (wp). Panitikang Pilipino. https://www.coursehero.com/file/55194737/Panitikandocx/
  5. Balunsay, J. R. & Amante, J. T. (2022). Mga Tigsik ni Engr. Abdon B. Balde, Jr: Pagsusuri sa mga Paelektronikong Tulang Bikolnon sa Kontemporaryong Panahon. Catanduanes State University.
  6. Balunsay, J. R., Tindugan, S. M., Cantar, M. C. A., & Abundo, R. S. (2018). Linggwistikong etnograpiyang pag-aaral sa wikang Bikol. Komisyon sa Wikang Filipino.
  7. Espinola, K. (2022). Superstitions many Filipinos still believe. https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/superstitions-and-taboos-many-filipinos-still-believe-in/
  8. Herrity, J. (2022). Examples of core life values and how to determine yours. https://www.indeed.com/career-advice/career-development/life-values
  9. Lalic, E. D. at Malic, A. J. (2004). Ang ating panitikang Filipino. Trinitas Publishing, Inc.
  10. Lake, P., (2017) Introduction to literature. https://www.coursehero.com/file/36684585/Final-Supernatural-Creaturesdocx/
  11. Limbo, D. M. (2015). https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-moralismo/
  12. McBarron, K. (2022). https://www.writetorelax.com/writing-for-relaxation/
  13. Palay, A. (2022). Dapat pa bang ipagpatuloy ang kultura, tradisyon at kaugalian ng pamilyang Pilipino? https://financeideablog.wordpress.com/  
  14. Panganiban, J. V. (wp). Bakit dapat pag-aralan ang panitikang Pilipino? https://teksbok.blogspot.com/2013/01/bakit-dapat-pag-aralan-ang-panitikang.html
  15. Rice, S., et al. (2011). https://winningfutures.org/
  16. Sanchez, R. C. (2018). Salin at suri sa mga piling tulang Catandunganon: Batayan sa pagbuo ng kagamitang instruksyunal sa Filipino. [Di-Limbag na Tesis]. Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes.
  17. Timbreza, F.T. (2008). Sariling wika at pilosopiyang Filipino. C&E Publishing Inc.
  18. Villafuerte, P. (2012). Pagpapahalaga sa panitikan. Jimcylville Publications.