Pagsusuri Sa Mga Gawi At Paniniwalang Kapampangan Batay Sa Digital Na Koleksyon Ni Henry Otley Beyer Sa Pambansang Aklatan Ng Pilipinas
Wilma M Cruz
Discipline: Cultural Studies
Abstract:
May mga umiiral na gawi at paniniwala ang mga Kapampangan tungkol sa iba’t
ibang aspeto ng kanilang pamumuhay. Kinakatawan nito ang mga kultura, tradisyon,
at pag-uugali na maaaring batay sa mga paniniwala tungkol sa relihiyon, pananaw
sa pulitika, o kumbensyonal na karunungan. Upang malaman ang mga ito, sinikap
ng papel na kalapin ang mga katutubong gawi at paniniwala ng mga Kapampangan
batay sa digital na sinupan ni Henry Otley Beyer sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Gamit ang tematikong pag-aanalisa ay kinategorya ang mga nakalap na gawi at
paniniwala at kinasangkapan ang deskriptibong pamamaraan upang masuri at
mailarawan ang mga ito. Sinikap na masagot sa pag-aaral ang mga sumusunod na
katanungan: a) Ano-ano ang mga pag-aaral na makikita sa digital na sinupan ang
may kaugnayan sa mga gawi at paniniwala ng mga Kapampangan? at b) Paano
mailalarawan ang mga nakalap na gawi at paniniwala ng mga Kapampangan
batay sa kanilang pamumuhay? Pinagbatayan ang 24 na manuskritong naakses
sa website ng Pambansang Aklatan at naitala ang iba’t ibang gawi at paniniwalang
may kaugnayan sa 1) kababalaghan at katatakutan, 2) kamatayan, 3) kabuhayan, 4)
pananampalataya, at 5) buhay may pamilya. Sa paglipas ng panahon masasabing
unti-unti nang nabubura ang mga ito kaya’t mahalaga pa ring maituro lalo na
sa mga kabataan upang mas makilala pa ang kanilang pinagmulan. Ang mga
ganitong pananaliksik ay makapag-aambag sa pag-aaral ng lokal na kasaysayan
na makapagpapatibay sa rehiyonal na pagkakakilanlan ng isang indibidwal at sa
kalaunay makatutulong sa pagbuo ng ating nasyonal na identidad.
References:
- Abanilla, Ma. L., Delfinado, C., & Galvez, A. (2018). Ang Pagtangan sa mga Sinaunang Pamahiin at Konsepto sa Sariling mga Piling Kabataang Cabuyeño sa Gitna ng Modernisasyon (Unpublished Thesis). Retrieved from https://www.academia.edu/35258952.
- Amat, A. B. (2020a). Pag-uugat sa kultura ng pagkakasakit ng mga Taclobanon ng Hilagang Leyte. International Journal of Research Studies in Education, 9(3). https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5824
- Amat, A. B. (2020). Superstitions surrounding wake and interment in a Philippine urban center. PalArch’s Journal of Archaeology of Egypt/Egyptology, 17(6), 8239-8246.
- Amtalao, J., & Demeterio, F. (2019). Bogwa: kultural na paghuhukay sa oral na tradisyong Ifugao. MALAY, 31(2), 84-102.
- Bolata , E. J. V. (2022). Marinduque silencescapes: history and stories of local silence. BANWAAN, 2(1), 49-78.
- Calayag, M. A. D. (2023). NHCP, TSU host Commissioner Dizon’s Tarlac Province sesquicentennial lecture. Tarlac State University. https://www.tsu.edu.ph/news/2023-news/nhcp-tsu-host-commissioner-dizon-s-tarlac-province-sesquicentennial-lecture/
- Cervantes, C. L. (2024). Philippine parapsychology. EXPLORE, 20(3), 411-416. https://doi.org/10.1016/j.explore.2023.10.006
- Demeterio, F. P. A. (2009). Ang Balangkas ng multikulturalismo at ang pagbubuo ng bansang Pilipino. Lumina, 20(2), 1-21. https://www.ejournals.ph/article.php?id=7268
- Dela Cruz, J., & Manarang, O. (2020). Ang pagbungkal sa konseptong relihiyon sa talasalitaan ni Bergaño bilang pagtutulay sa kultura-pananampalataya ng mga Kapampangan sa ika-18 siglo. Mabini Review, 9, 33-79. https://philarchive.org/archive/CRUAPS-2
- Derain, A. A. N. (2021). May Tiktik sa bubong. Reading the Regions 2: Philippine folk and oral traditions. National Commission for Culture and the Arts, and National Committee on Literary Arts, 26-39.
- Espada, J. (2019). Pagsusuri ng mga salitang Kapampangan mula sa Arte dela Lengua Pampanga ni Fray Diego Bergaño na may kaugnayan sa pagkain. Mabini Review, 8, 91-122. https://philpapers.org/archive/ESPPNM.pdf
- Evangelista, A. E. (1969). The Philippines: Archaelogy IN THE Philippines to 1950. Asian Perspectives, 12, 97-104. http://www.jstor.org/stable/42929065
- Ewing, J. F. (1960). Birth customs of the tawsug, compared with those of other Philippine groups. Anthropological Quarterly, 33(3), 129. https://doi.org/10.2307/3316508
- Fajardo, C. E. M. (2016). Sákit ng loob at sakít ng labas: isang pagsilip sa maikling kasaysayan at kontemporanyong kuwento ng pagtatanghal ng tira bakal sa Lunsod ng San Fernando, Pampanga (1961-Kasalukuyan). Saliksik E-Journal, 5(2). https://www.ejournals.ph/article.php?id=11418
- Gambito, J. (2017). Pangpang at ilug: ang saysay ng bangka sa prekolonyal na lipunang Kapampangan. MALAY, 29(2), 47-62. https://ejournals.ph/article.php?id=11539
- Go, F. S. (1979). Mothers, maids and the creatures of the night: the persistence of philippine folk religion. Philippine Quarterly of Culture and Society, 7, 186-203. https://www.jstor.org/stable/29791640
- Jacobson, H. E., & Zamora, M. D. (1969). Studies in Philippine anthropology in honor of H. Otley Beyer. Pacific Affairs, 42(3), 388. https://doi.org/10.2307/2753922
- Kaut, C. (1970). Dr. H. Otley Beyer: Dean of Philippine Anthropology (a commemorative issue). S. V. D. Rudolf Rahmann and Gerturdes R. Ang (Eds.). Cebu City, Philippines: The University of San Carlos, series E: Miscellaneous contributions in the Humanities, no. One, 1968. (pp. 124). The Journal of Asian Studies, 29(3), 742-743. https://doi.org/10.2307/2943311
- Larkin, J. A. (1967). The place of local history in Philippine historiography. Journal of Southeast Asian History, 8(2), 306-317. https://doi.org/10.1017/s0217781100003963
- Liwanag, L. A. L., & Chua, M. C. (2022). Ang paghiraya sa bansa ni Don Belong: pagsusuri ng mga akda ni Isabelo de los Reyes sa kanyang yugto ng transisyon (1897–1912). Humanities Diliman, 19(1), 115-158. https://www.researchgate.net/publication/361580494_Ang_Paghiraya_sa_Bansa_ni_Don_Belong_Pagsusuri_ng_mga_Akda_ni_Isabelo_de_los_Reyes_sa_Kanyang_Yugto_ng_Transisyon_1897-1912
- Liwanag, L., Tubigan, P. E., Toring, R., Enaya, M. G., Pedrera, H., & Tan, D. J. (2023). Mga unang pag-aaral hinggil sa isla ng Samar mula sa Beyer Collection ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Journal of Philippine Local History & Heritage of the National Historical Commission of the Philippines, 9(1), 29-89.
- Lopez, R. M., Raboy, K. L., Mangangot, J. G., & Nale, V. (2015). Pamahiin nila noon, buhay pa ba ngayon? pagsusuri sa mga pamahiing nananatili mula noon hanggang ngayon. Palawan State University Psychology Society Publications.
- Lynch, F. (1967). Henry Otley Beyer 1883-1966. Philippine Studies, 15(1). http://www.philippinestudies.net/files/journals/1/articles/887/public/887-3801-1-PB.pdf
- Mallari, J. (2009). King Sinukwan mythology and the Kapampangan psyche. COOLABAH, 3, 227-234. https://doi.org/10.1344/co2009/.3.227-234
- Millington, W. H., & Maxfield, B. (1906). Philippine (Visayan) superstitions. The Journal of American Folklore, 19(74), 205-211 .https://www.jstor.org/stable/pdf/534567.pdf
- Pampanga. Visit Central Luzon. (n.d.). https://visitcentralluzon.com/provinces/pampanga/
- Papers of Henry Otley Beyer. Trove. (n.d.). https://nla.gov.au/nla.obj-347396638/findingaid
- Portillo, G. (2022). Pagsipat sa mga pamahiing pinoy: gabay sa pagkuha ng pagsusulit. International Journal of Research Studies in Education, 11(10). https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.820
- Quito, E. (1993). Ang pagkaing Kapampangan sa kulturang Filipino. MALAY, 11(1), 49-55. https://ejournals.ph/article.php?id=7797
- Ramos, D. P. G. (2018). Sulad: paghahabi sa buhay at sinulat ni Mariano Henson sa kapookan ng araling Kapampangan, 1897-1975. Saliksik E-Journal, 7(1), 46-71. https://www.ejournals.ph/article.php?id=13717
- Resurreccion, A. (2022). Pagsusuri ng ekonomiya ng Batangas mula sa digital na koleksyon ni Otley Beyer sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Journal of Philippine Local History and Heritage, 8(2), 5-61.
- Santos, M. J., & Tugano, A. C. (2022). Salin at anotasyon ng mga dokumento ng H. Otley Beyer ethnographic collection ukol sa Marikina. Tala Kasaysayan: An Online Journal of History, 5(2), 39-92. http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/126/89
- Singh, S. (2024). What is descriptive research? definition, methods, types and examples. Researcher Life. https://researcher.life/blog/article/what-is-descriptive-research-definition-methods-types-and-examples/
- Solheim II, W. (1969). H. Otley Beyer. JSTOR, 12, 1-18. https://www.jstor.org/stable/42929059
- Solis, J. (2022). Ang konsepto sa kalluman ng Badjao: pagsilang hanggang pagkamatay. International Journal of Research Studies in Education, 11(14). https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b018
- Tantingco, R. (2007). Vocabulary of the Kapampangan language in Spanish and dictionary of the Spanish language in Kapampangan. Holy Angel University Press.
- Vicerra, P. M., & Javier, J. (2013). Tabi-tabi po: situating the narrative of supernatural in the context of the Philippines community development. MANUSYA: Journal of Humanities Regular, 16(2). http://www.manusya.journals.chula.ac.th/files/essay/Tabi-Tabi_1-13.pdf
- Yabut, H. (2013). Apung Mamacalulu: ang Sto. Entierro ng Pampanga. DALUMAT E-Journal, 4(1-2).
- Wong, B. J., & Ubaldo, L. R. (2020). Pagsusuring historiko-kultural sa prekolonyal na kaugaliang reproduktibo sa Bisayang rehiyon: isang bibliograpikong sanaysay. https://www.academia.edu/99206803/Pagsusuring_historiko_kultural_sa_prekolonyal_na_kaugaliang_reproduktibo_sa_Bisayang_Rehiyon_Isang_Bibliograpikong_Sanaysay.
- Zapanta-Manlapaz, E. (1976). Notes towards a history of Pampangan literature. Philippine Studies, 24(1), 64-98. http://www.jstor.org/stable/42632309
ISSN 2980-4728 (Online)
ISSN 0117-3294 (Print)