Leoncio P. Deriada: Ang Inhinyero ng Literatura ng Kontemporanyong Panitikan ng Kanlurang Visayas (1986 to 2019)
Ferdinand P. Jarin
Discipline: Asian Studies
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa naging pagtataguyod at pagsusulong ng
manunulat at kultural na manggagawang si Leoncio P. Deriada sa kontemporanyong
panitikan ng Kanlurang Visayas. Naging napakahalaga ng kanyang ginawa na
maimuhon ang naturang kalagayang pampanitikan ng rehiyon upang maisanib
at maging suhay ito sa pagtataguyod ng pambansang panitikan. Ipinakilala ng
inhinyero ng panitikan na si Deriada ang lakas ng mga panrehiyon na wika, tulad ng
Hiligaynon, Kinaray-a, at Akeanon, gayundin ng mga manunulat ng rehiyon, bilang
mga wika at aktor na nagtataguyod din ng pambansang panitikan.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang metodolohiya ng pakikipanayam at artsibong
pananaliksik. Nagresulta ang pag-aaral sa isang naratibo ng biyograpikal na
paglalakbay ng dakilang manunulat sa bayang pinagmulan at inuwian kung saan
niya idinisenyo at itinaguyod ang kontemporanyong panitikan ng rehiyon bilang
inhinyero ng panitikan.
References:
- Andrada, M. F. C. (2022). Anatomiya ng antolohiya: Interbensiyonal na pagsipat sa politika at ideolohiya ng piling antolohiyang pampanitikan ng mga iskolar ng rehiyon (Anatomy of anthology: Interventional study of the politics and ideology of select literary anthologies by scholars from the region). Akda: The Asian Journal of Literature, Culture, and Performance, 2(2), 44-55. https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent. cgi?article=1039&context=akda
- Cruz, I. M. (2009). Pungsod: Damming the nation: Region/nation and the global order in contemporary West Visayan literature. University of San Agustin Publishing House.
- Cruz, I. M. (2021). Ang rehiyon bilang antolohiya: Si Leoncio Deriada at ang kontemporaneong literatura ng Kanlurang Bisaya sa konteksto ng panitikang pambansa. Sa J. I. Teodoro (Ed.), Padayon sa pagtindog: Mga piling papel hinggil sa mga wika at panitikan ng Kabisayaan (39-50). Komisyon ng Wikang Filipino.
- Cruz, I. R. (2000). In our own words: Filipino writers in vernacular languages. De La Salle University Press.
- Colebrook, C. (2002). Gilles Deleuze. Sa R. Eaglestone (Ed.), Routledge critical thinkers: Essential guide for literary studies (125-146). Royal Holloway. University of London.
- Cultural Center of the Philippines. (2015). Leoncio P. Deriada gawad CCP para sa sining panitikan. https://youtu.be/I7uxWyt00Vo
- De Ungria, R. M. (2018). I went to Silliman a full-blown writer: Interview with Leoncio P. Deriada. Kinaadman Journal, 40, 33-104.
- Delos Santos, A.C. (2000). The rise of Kinaray-a: History and anthology of contemporary literature in Antique. Libro Agustino.
- Deriada, D. M. V. (Ed.). (1995). Ang kalye nga wala sing kamatayon: The Palanca Award- Winning Short Stories of Leoncio P. Deriada. Division of Humanities, UP Visayas.
- Deriada, D. M. V. (2019). Preface. In D.M.V. Deriada (Ed.), Ang kalye nga wala sing kamatayon: The Palanca award winning short stories of Leoncio P. Deriada (x). Division of Humanities, UP Visayas.
- Deriada, L. P. (1984). The road to Mawab and other stories. New Day Publishers.
- Deriada, L. P. (1988). Night mares: And other stories of fantasy and horror. New Day Publishers.
- Deriada, L. P. (Ed.). (1995). Patubas: An anthology of West Visayan poetry, 1986-1994: Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon, Filipino, English. National Commission for Culture and the Arts.
- Deriada, L. P. (1999). In time passing, there are things: 100 Home Life poets. Home Life.
- Deriada, L. P. (2000). Mantala 3: An anthology of Philippine literature: Focus on West Visayan literature. National Commission for Culture and the Arts.
- Deriada, L. P. (2021). Pag-ulikid sa kasaysayan sa literatura ng Bisayang nakatundan. Sa J. I. Teodoro (Ed.), Padayon sa pagtindog: Mga piling papel hinggil sa mga wika at panitikan ng Kabisayaan (15-18). Komisyon ng Wikang Filipino.
- Deriada, L. P. (2002, August 1). Literature engineering in West Visayas. Kritika kultura, 1(1). https://archium.ateneo.edu/kk/vol1/iss1/5/
- Jarin, Ferdinand P. (2023). Ang mas nakikitang muhon ng kontemporanyong panitikan ng Kanlurang Visayas sa mapa ng pambansang panitikan bilang produkto ng literary engineering ni Leoncio P. Deriada: Pakikipanayam sa apat na manlilikha ng Kanlurang Visayas. Malay 35(2), pp. 14-34
- Teodoro, J. I. E. (2003). Maybato, Iloilo, Taft Avenue, Baguio, Puerto: Mga tula. University of San Agustin.
- Teodoro, J. I. E. (2021). Hala bira! Ang panahong post-Deriada (sana) huling hirit (na) sa gasgas na tema ng Kanlurang Bisaya at ang pagbuo ng literaturang pambansa. Padayon sa Pagtindog: Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. Ed. John Iremil Teodoro. Komisyon ng Wikang Filipino.
ISSN 2980-4728 (Online)
ISSN 0117-3294 (Print)