HomeNRCP Research Journalvol. 24 no. Special Issue (2025)

Panimulang Pag aaral sa Tanawing Pangwika at Implikasyon Nito sa Kalagayan ng Wikang Filipino sa Espasyong Pang edukasyon

Cyrinelle C. Saldivia

Discipline: Asian Studies

 

Abstract:

Kabilang sa mga tanawing pangwika o linguistic landscape, ang mga wikang matutunghayan sa mga karatula, paskil (poster), at mga pabatid/abiso, o babala na nakasulat sa pader. Karaniwang naghahatid ang mga ito ng mahahalagang impormasyon at may simbolikong tungkulin bilang palatandaan ng relatibong kakayahan at kalagayan ng linggwistikong komunidad na nananahan sa isang partikular na lugar o espasyo Ang pag-aaral na ito ay nagsisikap na punan ang puwang sa populasyon kung saan mas malalim na pagtalakay at paglalahad ng ebidensya ang isinagawa sa mga nakaraan o naunang pag-aaral. Ang binanggit na bahagi ng suliraning ito sa konteksto ng edukasyon sa mataas na antas ay ang pagpapatupad ng mga patakarang pangwika na nais pairalin sa buong bansa. Mapapansing binabago at higit na inilalapit ang mga mag-aaral tungo sa kahingian na Ingles ang maging pangunahing wika sa paaralan. Ito ang pagtutuunan ng pansin at sisipatin sa pananaliksik na ito—kung gaano kalala ang epekto ng suliraning pangwika sa loob ng espasyong pang-edukasyon. Gagamitin ang lente ng tanawing pangwika upang matukoy kung may suliraning pangwikang kinakaharap ang unibersidad. Ginamit ang pamamaraang Grounded Theory ni Schaffar (2020) sa pag-aaral na ito na may kwalitatibong dulog. Sinuri ang mga tala sa field notes hinggil sa mga tanawing pangwikang naroroon sa espasyong pang-edukasyon at ang mga tugon ng mga kalahok sa panayam gamit ang tatlong pamamaraan ng pag-code. Natuklasan na ang gampanin ng tanawing pangwika sa loob ng espasyong pang-edukasyon ay ang paggamit ng Ingles sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon. Kaugnay nito ay sinilip din ang pangingibabaw o dominance ng wikang Ingles sa mga tanawing pangwika. Mabuway ang kalagayan ng wikang Filipino. Mababanaagan ang malakas na pagkiling ng espasyong pangedukasyon sa wikang Ingles kumpara sa mababang kasiglahan sa paggamit ng wikang Filipino. Ang kalagayang ito ay bunga ng neoliberal na kaisipang nagsasabing ang pagsandig sa wikang Ingles ay makapagpapaunlad sa pamantasan at sa karunungan ng mga nasasakupan nito. Isa sa mga pangunahing tema na lumitaw sa isinagawang pakikipagpanayam ay mga mungkahing hakbanging sa pagpapatibay ng wikang Filipino sa espasyong pangedukasyon. Isang inisyatibong maaaring makapagsalba sa tuluyang pagkatulak sa wikang Filipino sa laylayan ng mga espasyong pang-edukasyon na siya sanang inaasahang mangunguna sa pagpapaunlad sa wikang pambansa.



References:

  1. Almario, V. (2015). Introduksyon sa pagsasalin. Komisyon sa Wikang Filipino.
  2. Atas Tagapagpaganap Blg.335. (n.d.). PBworks. http://wika.pbworks.com/w/page/8021644/ATAS%20TAGAPAGPAGANAP%20BLG%20335
  3. Bayang, E. at Tubo, T. (2019). Kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino. Mutya Publishing House, Inc.
  4. Belgrave, L. L., at Seide, K. (2019). Grounded theory methodology: Principles and practices. Handbook of Research Methods in Health Social Sciences. Springer Singapore. https://10.1007/978-981-10-5251-4_84
  5. Bernales, R. A., Cordero, M. E. B., Cabanlong, A. S., Golosinda, M. L., Mayor, G. L., Lopez, L. M., Balunsay, J.R., Madrid, S. T., at Gasic, R. M. (2018). Malayuning komunikasyon: Sa lokal at global na konteksto. Mutya Publishing House, Inc.
  6. Bernales, R., Lopez, L., Sarte, M., Del Rosario, L., Martinez, E., Quijano, K., Balunsay, J., at Tindugan, S. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino: Filipino alinsunod sa K-12 kurikulum ng batayang edukasyon (K-12 baitang 11 aklat A). Mutya Publishing House, Inc.
  7. Berndt, A. (2020). Sampling Methods. Journal of Human Lactation, 36(2), 224-226. doi:10.1177/0890334420906850
  8. Borong, N. (2017). Socio-Geograpikal linguistic theory sa Filipino language teaching: Gabay sa MTB-MLE [Di-nalathalang disertasyon]. Cebu Normal University
  9. Broadway, M., at Zamora, N. (2018). Ang Filipino bilang wika sa Matematika: Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng isang Pribadong Paaralan. The Normal Lights, 12(1). https://doi.org/10.56278/tnl.v12i1.761
  10. Cervantes, F. M. (2023). SWS: 47% of Filipinos ‘competent’ with English language. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1207936
  11. Congress of the Republic of the Philippines. (2013, Mayo 15). Batas Republika Blg. 10533. Official Gazette. https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/batas republika-blg-10533/
  12. Creswell, J., at Poth, C. (2018). Qualitative inquiry & research design. Sage Publications, Inc.
  13. Glaser, B. G. (2016). Open coding descriptions. Grounded Theory Review, 15(02), 108-110.
  14. Hinesly, S. B. (2020). Linguistic landscape in educational spaces. Journal of Culture and Values Education, 3(2), 13-23. https://doi.org/10.46303/jcve.2020.10
  15. Landry, R., at Bourhis, R. Y. (1997). Linguistic landscape and ethnolinguistic vitality: An empirical study. Journal of Language and Social Psychology, 16(1), 23-49. https:// doi.org/10.1177/0261927X970161002
  16. Nibalvos, I.M. P. (2017). Ang Wika sa pampublikong espasyo: Isang pag-aaral sa tanawing pangwika ng Maynila. Scientia: The International Journal on the Liberal Arts, 6(2), 93-113.
  17. Noval, A.T. (2020). Wika ng pangangampanya: Pagsusuri sa mga tanawing pangwika ng Cebu sa panahon ng eleksyon. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 8(3), 104-111.
  18. Official Gazette. (1987, Pebrero 11). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republikang- pilipinas-1987/
  19. Office of the President of the Republic of the Philippines. (2003, Mayo 17). Executive Order No. 210, s. 2003. Official Gazette. https://www.officialgazette.gov.ph/2003/05/17/executive-order-no-210-s-2003/
  20. Peña, R. P. (2014). Wikang Filipino: Hininga, kapangyarihan at puwersa. Filipinolohiya: Journal sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, 1(1), 11-22.
  21. San Juan, D. M. M. (2017). Alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino/Tanggol wika: Internal na kwento, mga susing argumento at dokumento (2014-2017). https://www.researchgate.net/profile/David-Michael-San-Juan/publication/320558204_ Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_FilipinoTANGGOL_WIKA_Internal_na_Kwento_Mga_ Susing_Argumento_at_Dokumento_20142017/links/59eda385a6fdccef8b0dda8d/Alyansa-ng Mga-Tagapagtanggol-ng-Wikang-Filipino-TANGGOL WIKA-Internal-na-Kwento-Mga- Susing-Argumento-atDokumento-2014-2017.pdf
  22. San Juan, D. M. M., Acerit, M. D., Manalan, V. F., Caja, C. A., Medina, B. O., Panganiban, P.C., Conti, T. O., del Mundo, S. J. A., at Unciano, M. J. D. R. (2018). Pilglas-diwa: Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House, Inc.
  23. Santos, Z. J. T. (2019). Ang antas ng institusyonalisasyon ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) Diliman bilang tagapamahala ng wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Malay, 31(2), 47-59.
  24. Schaffar, A. (2020). Grounded theory. Sa M. Huber at D. E. Froelich (Eds.), Analyzing group interacttions: A guidebook for qualitative, quantitative, and mixed methods (1st ed., pp. 71-78). Routledge.
  25. Shohamy, E. (2019). Expanding the linguistic landscape: Linguistic diversity, multimodality and the use of space as a semiotic resource. Short Run Press. https://doi.org/10.21832/PUTZ2159
  26. Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Rex Bookstore, Inc.
  27. Villareal, J. V. P., Adaya, J. G., Malaga, M. A., at Dino, R. J. A. (2021). Linguistic landscape sa tatlong malalaking lungsod sa Pilipinas: Isang panimulang pagsusuri. Saliksik-Kultura: The NCCA Research Journal, 1(1), 1-1.