HomeNRCP Research Journalvol. 24 no. Special Issue (2025)

Mga Awit ng Pakikidayo: Isang Salamin sa Rikna, Padas, at Nakem ng mga Ilokanong Nangingibang bayan

Jacquelyn B. Griffin

Discipline: Cultural Studies

 

Abstract:

Patuloy ang paglalakbay ng mga Ilokano palabas ng kanilang ili (bayan) upang makipagsapalaran para sa ikalulung-aw (ikagiginhawa) ng kanilang pamilya at kaanak. Hindi maipagkakaila ang kanilang pansarili at kolektibong rikna (dama), padas (danas), at nakem (kalooban) dulot ng kanilang pakikidayo at pakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Ang kanilang rikna, padas, at nakem ay hindi lubos na maipapahayag sa pamamagitan ng mga pang-estadistikang datos lamang. Bunsod nito, layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito na ipaliwanag ang malawak at malalim na karanasan ng mga migranteng Ilokano sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga liriko ng mga awiting may konsepto ng pakikidayo (pangingibang-bayan o pandarayuhan) sa lipunang Ilokano. Hindi katulad ng ibang sining na eksklusibo sa mga nasa mataas na uri ng lipunan, ang musika ay kayang abutin ang mas malawak na madla. Upang pagtibayin o pabulaanan ang mga pagpapakahulugan sa mga liriko ng awitin, ginamit ang katutubong metodo sa pakikipanayam (pannakisarsarita) sa mga may personal na danas sa pandarayuhan. Napatunayan na ang mga liriko ng mga awiting sinuri ay sumasalamin sa rikna, padas, at nakem ng mga Ilokanong nakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Napag-alaman din sa awitin na ang Hawaii ay ang kadagaan (angkop na lupa) ng mga Ilokano. Sa kanilang pagbabalik-bayan, litaw ang ekonomikong kaibahan sa kanilang mga kailyan (kababayan) at sa mga OFW sa bansang Asya. Sa hangaring makalung-aw (guminhawa) sa kahirapan, kailangang agibtur (magtiis) lalo na sa harap ng iliw (pangungulila) sa lugar at pamilyang naiwan. Sinasalamin din ng mga awit ang hindi maipagkakailang kahalagahan ng teknolohiya na nagsisilbing tulay na mag-uugnay sa mga emosyon upang mapanatili ang katinuan ng isipan. Patuloy ang pagbabago sa globalisadong mundo, ngunit ang musika bilang sining ay nananatiling mahalagang elemento at mapaghuhugutan upang maipahayag ang realidad ng buhay ng mga Ilokanong nakikidayo sa tiyak na panahon at pagkakataon.



References:

  1. Agcaoili, A. S. (2012). Pinaababa a kontemporaneo a diksionario nga Ilokano-Ingles. Undertow Boo, Q.C.
  2. Alburo, J. (2005). Box in or out? Balikbayan boxes as metaphors for Filipino American (Dis) Location. Ethnologies, 27(2), 137-157. DOI: https://doi.org/10.7202/014044ar
  3. Alterado, D. S., Nebrija, G.G., at Villanueva R.L.R. (2023). Nakem and virtue ethics: Framing the Ilokano and amianan sense of good life. Humanities Diliman, 20(1), 21-43.
  4. An Act Instituting a Balikbayan Program, Republic Act No. 6768. Congress of the Philippines, p. 1 (1989). Sa The LAWPHil project, Philippine laws and jurisprudence databank. Arellano Law Foundation. https://lawphil.net/statutes/ repacts/ra1989/ra_6768_1989.html
  5. Baily, J., at Collyer, M. (2006). Introduction: Music and migration. Journal of Ethnic and Migration Studies, 32(2), 167-182. https://doi.org/10.1080/13691830500487266
  6. Byrne, M. (2001, June). Hermeneutics as a methodology for textual analysis. AORN Journal: The official voice of perioperative nursing, 73(5), 968-70. DOI: 10.1016/ S0001-2092(06)61749-3
  7. Dela Paz, C., at Flores, P. (2014). Sining at lipunan: Sentro ng Wikang Filipino. Unibersidad ng Pilipinas.
  8. Jocano, F. L. (1982). The Ilocanos: An ethnography of family and community life in the Ilocos Region. Asian Center, University of the Philippines, Diliman, Q.C.
  9. Javier, R. E. Jr. (2016). Paraan po: Ang oryentasyon ng kapuwa sa metodo ng pananaliksik. Hasaan, 3(1) https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN Journal-Tomo-III-2016-34-60.pdf
  10. Labrador, J. (2015). Himno at ritmo ng nasyonalismo: Dalumat ng musika sa kurikulum. LEAPS: The Miriam College Faculty Journal, 39(1), 32-63. https://www.academia. edu/44292312/Himno_at_Ritmo_ng_Nasyonalismo_Dalumat_ng_Musika_sa_Kurikulum
  11. Lorenzo, N. (2022). Going back home: Why many Ilokano immigrants to Hawaii return to the Philippines. Hoaeae Publications.
  12. Malabanan, J. C. (2021). Pangangayaw bilang paksa sa mga awiting Pilipino: Pagsusuri sa mga awit ng pangingibang-bayan: Sa Villan, A. at Esquejo, K. R. (2021). Pangangayaw: Ang pangingibang bayan at paghahanap ng ginhawa sa kasaysayan at kalinangang Pilipino, pp. 325-352. Adhika ng Pilipinas, Inc., National Commission on Culture and the Arts (Philippines).
  13. Mckay, D. (2007). ‘Sending dollars shows feelings’ - emotions and economies in Filipino migration. Mobilities, 7(2), 175-194. DOI: 10.1080/17450100701381532
  14. Manzano, J. (2021). Kadagaan sa nobelang dangadang: Pagsusuri sa konseptong Ilokano sa pagtatanggol sa lupa. Sa Villan, A. at Esquejo, K. R. (2021). Pangangayaw: Ang pangingibang bayan at paghahanap ng ginhawa sa kasaysayan at kalinangang Pilipino, pp. 249-266. Adhika ng Pilipinas, Inc., National Commission on Culture and the Arts (Philippines).
  15. Parreñas, R.S. (2001). Servants of globalization: Women, migration and domestic work. Stanford, California: Stanford University Press.
  16. Pe-pua, R. (1988). Ang mga balikbayang Hawayano ng Ilokos Norte: Pandarayuhan at pagbabalik. Unibersidad ng Pilipinas.
  17. Perez. M.S. (2008). Ilocano writers in Hawaii: Invisible stragglers. The University of the Philippines Press.
  18. Piocos, C. III (2019, July to December). Suffering that counts: The politics of sacrifice in Philippine labor migration. Humanities Diliman: A Philippine Journal of Humanities, 16(2), 26-48
  19. Rubino, C. R. G. (2000). Ilocano dictionary and grammar, Ilocano-English, English Ilocano. University of Hawaii Press. https://books.google.com.ph/books/about/Ilocano_Dictionary_and_Grammar.html?id=qG-zAa_rjoMC&redir_esc=y
  20. San Juan, E. Jr. (2001). The Filipino diaspora. Philippine Studies Historical and Ethnographic. Viewpoints, 49(2), 255-264. http://www.philippinestudies.net
  21. Tatel, M.J.B. R. (2021). Bakwit sa bangaan ng mga ginhawa: Sipat at giyasat ng ‘pangangayaw’ sa ugnayang IP Moro-Gobyerno.
  22. Tugano, A. C. (2021, April). Pangingibang-bayan bilang pag aaral sa ibang kalinangan: Ang lakbay-aral na akademiko sa Timog-Silangang Asya. Sa Villan, A. at Esquejo, K. R. (2021). Pangangayaw: Ang pangingibang bayan at paghahanap ng ginhawa sa kasaysayan at kalinangang Pilipino, pp. 355-377. Adhika ng Pilipinas, Inc., National Commission on Culture and the Arts (Philippines).
  23. Villan, V. C. (2021). Ang kapookan ng pangangayaw bilang paksa ng pag-aaral sa kalinangan at kasaysayang Pilipino. Sa Tatel, M.J.B.R. (2021). “Bakwit” sa “bangaan” ng mga ginhawa: Sipat at siyasat ng “pangangayaw” sa ugnayang IP-Moro-Gobyerno.
  24. Villan, V., at Esquejo, K. R. (2021). Pangangayaw: ang pangingibang-bayan at paghahanap ng ginhawa sa kasaysayan at kalinangang Pilipino. Adhika ng Pilipinas, Inc., National Commission on Culture and the Arts (Philippines).
  25. Visaya, A. T., at Duldulao, V. A. (Eds.) (2022). Burayok: Memories, commitment & resolve writings by retirees of Mariano Marcos State University. Marikina City, Philippines: Hoaeae Publications.