Discipline: History
Layunin ng papel na tingnan ang pilosopikal at sosyohistorikal na balangkas at pundasyon ng konsepto ng ili at pagilian at ang relasyon ng balangkas na ito sa “pagiging mayaman”—sa pagiging umili at makipagili.
Titingnan din ang dialektik na taglay ni ili (laban sa away o nayon/kanayunan) sa kontexto ng tradisyon ng pakikipagtunggali sa Kailokuan at iuugnay ang dialektik na ito sa (a) usapin ng away/aw-away (kanayunan), (b) waywaya/wayawaya (kalayaan) at (c) waywayas (pagsasarili/kasarinlan).
Mula sa ganitong pagsusuri, iuugnay ang lumang konsepto ng ili/pagilian sa makabagong politikal na pormasyon upang maisakontexto ang ilan sa mga suliranin kaugnay ng pagiging mayaman (makipagili) at pambansang paglaya (nailian a panagwayawaya).