HomeSaliksik E-Journaltomo 1 bilang 2 (2012)

Araling Kabanwahan, Kasaysayang Kabanwahan, at Araling Timog Silangang Asya

Atoy M. Navarro

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Sa pambungad na ito, babalikan natin ang kasaysayan ng at pagpapakahulugan sa Araling Kabanwahan at Kasaysayang Kabanwahan.  Ipopook natin sa mga pagdadalumat na ito ang samu’t saring akdang pangkasaysayan ukol sa Timog Silangang Asya sa wikang F/Pilipino.  At sa huling bahagi, sisipatin natin ang mga kontribusyon sa natatanging isyung ito ng SALIKSIK E-Journal bilang pagpapatuloy sa pagtataguyod ng Araling Timog Silangang Asya.