HomeSaliksik E-Journaltomo 1 bilang 2 (2012)

Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko: Rebyu ng mga Pag-aaral sa Ilang Austronesyanong Chiefdom

Myfel Joseph D. Paluga

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Nirebyu/sinuri ng artikulong ito ang laman ng kategoryang chiefdom.  Ang kategorya ay prinsipal na nakatuon sa kaayusang pampulitika ng bayan at ang kalikasan ng kapangyarihan ng mga namumuno.  Ikinakabit/nakakabit ito sa isang klasipikatoryong taypolohiya (band-tribe-chiefdom-state) ng “panlipunang kompleksidad” (social complexity) na nasa unibersal na komparatibong perspektibo.  Kahit nakatuon ang kasalukuyang mga pag-aaral sa dinamiks ng diakronikong pagbabago, nanatiling implisito ang kinakapitan nitong taypolohiya.

 

Tinukoy ang apat na mga prehistorikong bayang Austronesyano sa Indo-Pasipiko batay sa magkaibang arkeolohikal na pag-aaral upang ipakita ang magkakaibang ebolusyunaryong proseso ng mga bayang hinahanay sa kategoryang chiefdom.  Mahalaga ang mga pag-aaral sa masusi nitong pananaliksik sa dinamiks ng paglitaw at pagpapanatili ng kapangyarihang pampulitika.  Sinisikap din ng mga pag-aaral na makaambag sa pagteteorya sa mekanismo ng panlipunang ebolusyon.

 

Mahalaga ang bistang binubuksan ng kategoryang chiefdom sa pagpapaliwanag sa ebolusyon ng mga bayang Austronesyano at magagamit ng mga historyador ang datos ng mga ispesipikong pag-aaral.  Sa kabilang banda, may mga limitasyong makikita kung ipapasok ang lapit at perspektibong pangkabihasnan.  Maaaring hindi angkop o limitado ang pokus ng karamihan sa mga pag-aaral at ang mga kadalasang tema nito sa mga layunin ng pagsasakasaysayan ng bansa.