Susing salita: Social Science
Itinatampok sa papel na ito ang pagdadalumat sa “Inang Bayan” bilang lunan ng mataas na pagkilala ni Andres Bonifacio sa kababaihan. Nais ipakita ang talaban ng konteksto at tekstong nagbigay-daan sa nasabing konseptuwalisasyon. Konteksto ito ng kamalayan at kalinangang nag-ugat sa kapuluan. Teksto o mga pag-aakda itong nakaugat sa nasabing kamalayan at kalinangan. Sa huli, masasabing makabuluhan ang pagdadalumat na ito upang suhayan ang asersyong orihinal at hindi angkat ang kaisipan ni Bonifacio patungkol sa magkakawing na tungkulin ng pagpapalaya at pagbubuo ng bansa. Gayundin naman, hindi lamang politikal ang mga tungkuling ito, bagkus ay pangkalinangan at pangkasarian din.