HomeAnuaryo/Annales: Journal of Historyvol. 11 no. 1 (1993)

Hapon at Kanluran: Isang Pangkasaysayang Pananaw

Carmelita C. Corpuz

 

Abstract:

Sa buong panahon ng bagong-modernong kasaysayan, ang Hapon ay periperal na miyembro ng daigdig ng Silanganang Asya na nakasentro sa Tsina. Simula pa nang maitala ang kasaysayan mayroon ng ugnayan sa pagitan ng Hapon, Tsina at Korea. Naitatag ang magandang relasyon ng Hapon sa kanyang mga kalapit bansang kontinental. Natutuhan ng Hapon ang kahalagahan ng teknolohiya tulad ng pagtatanim ng palay at pagmomolde ng bakal.