Masasaksihan sa kasaysayan na ang palitan sa anyo man ng salapi o iba pa mang bagay ay malaon nang ginagawa ng mga tribu, lunsod-estado at mga bansa-estado. Sa panahon ng merkantilismo, nagkaroon ng mga palitan sa pagitan ng mga bansang kolonyalista, sa pagitan ng mga bansang kolonyalista at mga kolonya, at sa pagitan ng mga kolonya. Sa kasalukuyan ang mga palitan ay nagaganap sa pagitan ng mga bansang kapitalista, sa pagitan ng mga ban sang sosyalista, sa pagitan ng mga bansang kapitalista at sosyalista, sa pagitan ng mga mahihirap na bansa, at sa pagitan ng mga mauunlad at mahihirap na bansa.