HomeDALUMAT E-Journaltomo 3 bilang 1-2 (2012)

Edukasyong di Pormal ng mga Katutubong Agta sa General Nakar, Quezon Gamit ang SWOT Analisis

Reynele Bren G. Zafra

 

Abstrak:

 

Ang pagbibigay ng halaga ng mananaliksik sa edukasyon at kultura ang nag-udyok sa kanya upang isakatuparan ang pag-aaral na ito na tumatalakay sa usapin ng edukasyong di pormal ng mga katutubong Agta sa General Nakar, Quezon. Dito sinuri niya ang kalagayan ng Sentrong Paaralan ng mga Agta sa aspektong kultural, pedagohikal, kaguruan at ekonomikal gamit ang makapangyarihang SWOT Analisis.