Rolan B. Aldovino | Marco Antonio R. Rodas
Ang lambanog ay kilalang alak mula sa mga bayang nasa paligid ng Bundok Banahaw na pangunahing nagtatanim ng niyog. Higit marahil ang pagturing dito sa bayang kilala sa tradisyon ng paggawa ng lambanog, ang Bayan ng Tayabas. Gayunpamang ginagawa rin ang lambanog sa iba’tibang bayan, ang Tayabas marahil ang isa sa may pinakamayamang kalinangan ukol dito.
Pinagtuunan namin ng pansin ang kultura ng lambanog sa Tayabas lamang. Nais naming balikan ang tradisyong ito upang matukyan ang iba’t-ibang bahagi nito, gayundin ang gamit ng mga bahaging ito para sa mga Tayabasin.
Amin ding tininingnan kung mayroong mga di-hayag na mga simbolo at gamit ang lambanog sa paghubog ng lipunang Tayabas.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang mayamang kalinangang lambanog sa Tayabas, at kung lalaon ay sa buong lalawigan ng Quezon din.