HomeLUMINAvol. 20 no. 2 (2009)

Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang Pilipino

Feorillo Petronilo Demeterio Iii

Discipline: Cultural Studies, Philippine Studies

 

Abstract:

Habang abala ang nakararaming Pilipinong intelektwal, tagapagtaguyod ng kultura at beyurokrato sa pagbubuo ng bansang Pilipino, tila natatakpan sa ating paningin ang unti-unting pagkakabura sa kultural na kaakuhan ng marami nating pangkat etniko na nagdudulot ng samut-saring suliranin at pagdurusa. Gamit ang balangkas ng multikulturalismo, susuriin ng sanaysay na ito ang mga negatibong aspeto at kakulangan ng ating pagsasabansa. Ilalahad ng sanaysay na ito na ang multikultural na kaisipan ay hindi ang kabaligtaran ng ating pagsasabansa. Sa katunayan, may malaki itong maiaambag sa pagtugon sa mga usapin tulad ng rehiyonalismo, hidwaan ng mga Kristyano at Muslim, katayuan ng mga minoryang pangkat, ugnayan ng mga pangkat etnikong nagsama-sama sa mga malalaking lunsod, at pati sa ating pagdadalumat sa kinabukasan ng ating mga pangkat etniko na tiyak masasagasaan sa umiiral na monokulturalisasyong dala-dala ng ating pagsasabansa, ng modernisasyon at ng globalisasyon. Sa punto de bista ng sanaysay na ito ang balangkas ng multikulturalismo ay magsisilbing tagabantay sa katayuan ng ating mga pangkat etniko at patnubay para sa isang mas mabisang pagbubuo ng bansang Pilipino.