HomeMALAYvol. 3 no. 1 (1983)

Limang Patakaran ng Sinaunang Moralidad

Teodoro M. Kalaw

Discipline: Education, Social Science

 

Abstract:

Ang ating edukasyon sa pagtitimpi, na sa wikang Kastlla ay domino propio at sa Ingles self-control, ay nagmula sa maraming kadahilanan. lsa sa mga ito ay ang mahabang panahon na pananakop sa atin ng mga dayuhan. Ang apat na daan taong nating pagkailalim sa mga dayuhan ang siyang nagturo ng ating pagka-alipin. Ang alipin ay dapat tumahimik, itago ang kanyang damdamin, tiisin ay dapat tumahimik, itago ang kanyang damdamin, tiisin ang mahirap na buhay; kung kaya't siya'y mamamatay bilang alipin. Ang ligaya, ang pagkamatapat at ang pagkamausig ay nawawala kung ang tao ay naghihirap. Sa ganitong paraan natutuhan natin ang sining ng prudensya na humahantong sa isang bagay: ang edukasyon sa pagpipigil sa sarili. lto'y isang manipestasyon ng pambansang karakter na humahantong sa isang bagay; ang kagustuhan makapagbigay sa iba at o kaya'y ang takot na makasakit. lsa sa mga aspekto ng katangiang indibiduwal na ito ay ang gawin pagsukat at maingat na pagbabago ng ating pag-iisip at kagustuhan bago isagawa ang mga ito at sa ganitong paraan naihayag ang magandang asal ng pagpipigil sa sarili.