HomeMALAYvol. 3 no. 2 (1984)

Diwang Pilipino: Pangako at Pagkatao

Florentino T. Timbreza

Discipline: Social Science

 

Abstract:

 

Bawat lipunan ay may natatanging hugis ng pag-iisip. Ito'y nakahabi, wika nga, sa mga kayarian (structure) ng mga wikang ginagamit ng mga taong-bayan, sa kanilang mga kaugalian, mga kasabihan at iba pang uri ng kaalamang-bayan (e.g., alamat, tula, epiko, awit, bugtong, ritwal, ugali, katutubong sayaw, salawikain, atb.). Kaya lahat ng isilang sa isang pamayanan ay mamumulat sa hugis ng pag-iisip ng lipunang kanyang kinabibilangan at ito 'y bahagi na rin ng kanyang paghahaka.