HomeMALAYvol. 3 no. 2 (1984)

Ilang Ulat Tungkol sa Dimand sa mga Propesyonal na Nars*

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: Social Science

 

Abstract:

Ang kapansin-pansin sa pagkilos at pagtatatag ng mga iba't ibang samahang propesyonal sa kasalukuyan ay bunga ng maraming taon ng pagpapabaya sa nakararaming manggagawa at lalong pinatitingkad ng kasalukuyang krisis pangkabuhayan. Ang datirati'y walang imik na mga guro ay lumalakas, itinataguyod ang kanilang karapatan, at nagbabantang mag-aklas upang igiit ang kanilang mga lehitimong kahilingan sa pamahalaan. Gayon din ang nangyayari sa mga kawaning pangkalusugan, na tulad ng mga guro, ay batbat ng pagtitiis sa mababang pasahod na di-makaabot sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin.