Discipline: Idealism
Ano ang kinabukasan ng Iglesia sa harap ng isang ideolohiyang maka-ateista tulad ng Marxistang Komunismo? Magagawa nga kayang pag-anibin ang Kristiyanismo at ang dialektikang Komunismo tulad ng ipinakukunwa ng ilan? Hindi ba't tahasang magkasalungat ang dalawang ito, at, tulad ng silanga't kanluran,
kailanma'y 'di sila maaaring magtagpo? Subalit bakit at may mga alagad ng Diyos na tila baga nakikipaglaro sa apoy ng Marxismo at waring hindi manlamang alintana ang panganib nito? Ang Teolohiya nga bang Liberasyon, ayon sa paratang ng ilan, ay isang teolohiyang maka-komunista na pinamumugaran ng mga huwad na kleriko---mga mababangis na lobo sa anyo ng mga tupa? Hindi nga kaya't ginagamit lamang ng mga komunista ang teolohiyang ito upang masilo ang mga mapag-paniwalang kristiyano at mahulog sa kamay ng mga iyon bago pa man din mamalayan kung ano talaga ang nangyayari? Ano nga ba ang
dapat na maging panuntunan ng isang sumasampalataya sa Diyos sa harap ng ganitong mga nagaganap na pangyayari?