Discipline: Psychology, Philosophy
Ang sanaysay na ito ay isang pagmumuni-muni tungkol sa kabalintunaan ng buhay-tao. Tatalakayin dito ang ilang pandaigdigang pananaw na pinaninindiganan ng ilang pantas hinggil sa tunay na kalagayan ng tao sa mundo. Pinagsikapang makamit ang layuning ito sa pamamagitan ng sariling pagninilay-nilay at karanasan, mga pagmamasid sa aklat ng tunay na buhay, at pagbasa ng ilang akdang may kinalaman sa paaralang-pag-iisip na tinataguriang eksistensiyalismo.
Ipinalalagay na ang pamimilosopiya sa sariling wika ay hindi pa gaanong napagtutuunan ng pansin, kung kaya' t ang papel na ito ay inaasahang pupukaw ng interes at kamalayan ng mga mag-aaral at gayundin ng mga kapwa guro, tungo sa karagdagang pananaliksik at pag-aaral, lalung-lalo na ng wikang Filipino - sa pagtuklas - sa pamamagitan ng mga kaalamang pampilosopiya upang mabigyan naman ng karampatang halaga ang karanasang Pilipino.