HomeMALAYvol. 10 no. 1 (1992)

Mga Ugaling Pilipino

Florentino T. Timbreza

Discipline: Psychology, Filipino Culture

 

Abstract:

Sino nga ba ang Pilipino? Siyempre naman, siya'y isang tao. Ngunit anu-ano ang pagkakaiba niya sa ibang tao, tulad ng Amerikano? Puti ang Amerikano, samantalang ang Pilipino ay kayumanggi. Matangkad ang Kano, bagamat ang Pinoy ay medyo pandak. Matilos ang ilong ng Kano, samantalang ang ilong ng Pinoy ay pango. Kaya nga sabi ni Herbert Bartolome: "Ako'y isang Pinoy, ako'y hindi Kano. Huwag kang mahihiya, kun ang ilong mo ay pango."

 

Subalit bukod sa mga pisikal na pagmumukha ng Pilipino, anu-ano ang pagkakaiba ng kanyang pagkatao sa ibang tao? Mahirap dalumatin ang kanyang kasinuhan at pati siya'y hindi rin matarok ang tunay niyang sarili. Ang kahiwagaan ng kanyang identidad ay lalong lumalalim habang binabaybay at hinahalughog ang kanyang katutubong mga katangian. Gayunpaman, winawari ng mga sikologo na ang kayarian ng pagkatao ay may malaking kaugnayan sa kakaibang mga kilos, galaw, pag-uugali, at asal-panlipunan ng isang indibidwal nalumilitaw atmasasaksihan sa araw-araw niyang pamumuhay, pakikisalamuha't pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Kung anu-ano ang ikinikilos, inaasal o iniuugali at kung papaano gumagalaw at umastaang isang tao ay siyang nagpapamalas ng kanyang likas na pagkatao.