HomeMALAYvol. 15 no. 2 (1999)

Kasaysayang Oral: Ang “Kapisanang Panitikan,” Ugat ng Makabagong Panitikan sa Tagalog

Efren R. Abueg

Discipline: History

 

Abstract:

KUNG UUGATIN ANG PANITIKAN sa wikang Tagalog,makikita ang corpus (katawan) nito sa oral na tradisyon. Hindilamang saklaw nito ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas atpagtitipon nila ng iba't ibang anyo ng panitikan. Daang taon,marahil, bago pa lumaganap ang ideya ng eksplorasyon, angPilipinas na tinatawag sa iba-ibang pangalan (tulad ng Ma - i)ay mayroong nang panulaan (bugtong, awiting-bayan,

salawikain, epiko, ritwal). Sa mga anyong ito ng panitikannaihayag ng ating mga ninuno ang kanilang kaisipan, damdamin,saloobin, bisyon at sa mga iyon masasalamin din ang angkanilang mga positibo at negatibong katangiang panloob atpanlabas, patina ang kanilang mga abentura't karanasan at mgapang-araw-araw na kilos at gawi nila sa lipunan. Lalo nasa mgaliblib na kagubatan, at sa mga malawak na kapatagan, angpanitikang oral ay buhay at kasangkapang mahalaga naipinamamana ng ating mga ninuno sa kanilang angkan sa mgasusunod na salinlahi. Kaya masasabing mas matagal angtradisyong oral sa ating panitikan kung ihahambing sa tradisyongpasulat na nagsimula lamang nang magdala rito ng sistema sapaglilimbag ang mga Kastila noong kalagitnaan ngikalabimpitong siglo. At ang tagal ng tradisyong iyan aymasusukat sa patuloy na pag-iral ng literaturang oral sa mgagrupong etniko sa mga lugar ng kabundukan at karagatan. Patinasa mga lungsod at bayan ay mababakas din ang pananatili ngliteraturang oral sa mga kasabihan ng mga manggagawangdrayber at kantahing bayan ng mga mangingisda at magtatanim.Ito ang batayan kung bakit sa mga disiplina ng pag-aaral, angpamamaraang oral ng pananaliksik ay ginagamit kung lubhangmatagal nang lumipas ang mga pangyayari sa kasaysayan atmatatanda na't iilan pa ang mga respondent.